Malakanyang iwas sa ‘hula’ ni Brillantes vs Arroyos

UMIWAS ang Malakanyang sa palagay ni Comelec chairman Sixto Brillantes na posibleng sa kulungan na magpa-Pasko ang mag-asawang Gloria at Mike Arroyo.

Sinabi ni Brillantes kahapon na nagkasundo sila ni Justice Sec. Leila de Lima na tapusin ang imbestigasyon at makapagsampa ng kaso bago ang Pasko.

Sinabi naman ngayon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na hindi nila alam ang takbo ng imbestigasyon ng DoJ-Comelec Joint Task Force kaya wala silang masabi sa posisyon ni Brillantes.

Ayon kay Lacierda, hindi nila alam kung bakit nagsalita ng ganoon si Brillantes at bahala na ang opisyal kung may sapat itong basehan.

Kung sakali namang magkatotoo at makukulong nga sina Gloria at Mike Arroyo, makakaasa umano ang publiko na walang ibibigay na VIP treatment sa dalawa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply