Malakanyang nabahala sa ipasasarang 12 embahada

IKINABAHALA ng Malakanyang ang posibleng pagsasara ng 12 Embahada ng Pilipinas sa buong mundo.

Ayon sa palasyo, posibleng maapektuhan ang transaksyon at pagbibigay serbisyo ng mga OFW sa mga dayuhan.

Paliwanag naman ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, ang pagpili sa pagsasara ng 12 embahada o consulates ay dedepende sa kanilang performance kung papasa sa kanilang criteria.

Pero bago ito mangyari ay magkakaroon muna ng consolidation para sa mga embassy.

Nabatid na kailangang ipasara ang 12 embahada ng Pilipinas sa buong bansa para sa Rationalization Program o pagtitipid.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply