Malakanyang nakiramay sa pamilya Revilla

NAGPAHAYAG ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamamagitan ni Deputy Presidential Spokesman Abigail Valte sa mga pamilya na naiwan ni Ram Revilla, anak ni dating Senador Ramon Revilla, Sr.

“Gusto nating makiramay sa pamilya ni former Sen. Revilla at Sen. Bong Revilla sa pagpanaw ng kanilang kaanak. We expect the PNP to be on top of the case,” ayon kay Valte sa isang panayam sa DZRB.

Inihayag din ng Deputy Presidential Spokesman ang dalawang kampanya ng Philippine National Police para mabawasan ang mga loose firearms.

Una ay ang “Balik Boga” kung saan ay hinihikayat ang mga may-ari ng baril na paso na ang lisensiya na kanila itong i-renew o dili kaya ay isuko sa PNP. Ang pangalawa naman ay ang “Kontra Boga” kung saan ay layon nitong marekober ang mga loose firearms.

Base sa inisyal na report ng pulisya, dalawang naka-bonnet na kalalakihan ang pumasok sa bahay ni Revilla at binaril at pinagsasaksak ang aktor at kanyang kasintahan.

Samantalan, ayon naman sa pulisya, si Janelle Manahan, girlfriend ni Ram, ang magiging susi sa daglian pagkakalutas ng kaso.

Kasalukuyang nasa isang pribadong ospital si Manahan dahil sa tinamong tama ng bala sa pisngi at katawan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply