Malakas na pag-ulan ibinabala ng PAGASA

IPINAHAYAG ng PAGASA na hindi pa epekto ng shallow low pressure area (SLPA) ang naranasang malakas na pagbuhos ng ulan sa malaking bahagi ng Pilipinas.

Ayon sa ulat ng Pagasa, napakalayo pa ng namumuong sama ng panahon at wala pa itong direktang hangin o ulan na idudulot sa ating bansa.

Sa halip umano ay dulot lamang ng wind convergence at intertropical convergence zone (ITCZ) ang nararamdamang pag-ulan sa Eastern Luzon, Eastern Visayas at Mindanao.

Muli namang nagbabala ang Pagasa sa posibilidad na magpatuloy pa ang pag-ulan sa piling lugar sa Luzon, partikular na ang nasa northern section dahil pinalalakas umano ng hanging amihan ang takbo ng kaulapan sa nabanggit na lugar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply