Malalaking millipedes umatake sa Batanes

UMATAKE ang malaking millipedes sa isang barangay sa Yawran, sa Itbayat town sa Batanes, at dinumog ang mga halaman, kabahayan at maging ang silid-aralan.

“This attack has never happened before. The millipedes have always been part of the town’s ecosystem but they have never grown this many before,” pahayag ni municipal secretary Josefa Ponce.

Nakontrol naman agad ang pag-atake ng millipedes matapos bugahan ng mga espesyalista ng Department of Agriculture’s (DA) Island Agriculture Research Outreach station ang mga insekto ng malakas na klase ng pesticide

Sinabi ni DA Batanes chief Celso Batallones na wala silang malinaw na paliwamag kung bakit biglaang dumami ang bilang ng millipedes sa nasabing lugar.

Naninirahan ang millipedes sa mga mabasang lugar tulad sa ilalim  ng tuyong dahon, sa mga patay na halaman at sa cracks at crevices, na kumakain ng mga nabubulok na halaman at nagsisilbing  “recyclers” ng organic matter.

Gayunman, nagmistula silang peste sa barangay nang pati sa mga gusali, kabahayan at eskuwelahan ay pinamahayan na rin nila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply