Malaswang noon time shows binira ng CBCP

HINIMOK ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga magulang na protektahan ang kanilang mga anak laban sa mga mapanganib na programa sa telebisyon.

Ayon kay Father Conegundo Garganta, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Youth (ECY), maraming palabas sa telebisyon, tulad ng malalaswa at mararahas na programa, ang hindi karapat-dapat na makita ng mga bata dahil posibleng maimpluwensiyahan sila nito.

Inihalimbawa ni Garganta ang mga noontime variety shows at iba pang game show kung saan maraming dancer ang nakasuot ng malalaswang damit at pagiling-giling sa pagsayaw.

Paliwanag ni Garganta, madaling maimpluwensiyahan ang mga bata ng mga programang pinapanood nila kaya mahalaga aniya na maprotektahan at magabayan sila ng kanilang magulang laban sa negatibong impluwensiya ng telebisyon.

Umapela rin ito sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na gumawa ng mga polisiya at mga panuntunan na ang layunin ay protektahan ang dignidad at moral sensitivities ng mga manonood, partikular ang mga kabataan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply