Malisyosong text nilinaw ng Palasyo

BINIGYANG linaw ngayon ng Palasyo ang lumalaganap na tsismis kaugnay sa pagbibigay ng P5 bilyon sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong nakaraang pulong sa Japan.

Lumalabas sa text message na nagbigay umano ang Pangulo ng P5 bilyon sa mga lider ng MILF sa Japan.

Binigyan linaw ni Lacierda na ang naturang text message ay nag-uudyok lamang ng galit sa hanay ng mga sundalo dahil sa kasagsagan ito ng pagkamatay ng 19 sundalo sa Al Barka, Basilan.

Matatandaan din na iba’t ibang sektor ang nanawagan na suspendihin na ang usapang pangkapayapaang sa grupo ng MILF.

Paglilinaw ni Lacierda, hindi P5 bilyon kundi P5 milyon ang ibinigay ng Pangulo  sa grupo bilang commitment nito sa Bangsamoro institution.

Dinetalye nito na para sa pagti-training ng future leaders ang naturang pondo na ayon naman sa gobyerno ay kapaki-pakinabang. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply