Mambabatas na nagpapatigil sa peace talks dumarami

HABANG tumataas ang bilang ng sundalong pinapatay ng rebeldeng Moro, lumolobo din ang bilang ng mambabatas na nananawagan upang pansamantalang makansela ang usapang pangkapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Nitong huli, nanawagan si Sen. Manny Villar sa administrasyon na pansamantalang ipagpaliban ang usapang pangkapayaan upang magkaroon ng puwang ang awtoridad na maimbestigahan ang pagkamatay ng 19 na sundalo sa Basilan nitong ika-18 ng Oktubre.

“Mahirap naman mag-negotiate na meron ganyang inicident. Isa sa pinakamaganda magagawa dyan ay hold muna ang peacetalks …kung ito ay dapat nangyari or itong kadahilanan ay sapat na para ikansela ang usapan. Itigil muna ang peace talks.” Ayon kay Villar.

Ngunit, ayon kay Villar, hindi naman kaagad kakanselahin bagkus ay iimbestigahan ang pangyayari dahil mahirap naman na magpapatuloy ang usapang pangkapayapaan, pero pinapatay naman ang ating sundalo na ginagawa lamang ang kanilang tungkulin sa ilalim ng batas.

Kinastigo din ni Villar si Presidential Adviser for Peace Process Sen. Teresita “Ging” Deles sa pagsasabi nitong pagtataya ng “isolated incident” ang pangyayari sa masaker sa Basilan kaya’t ipagpapatuloy ang usapang pangkapayapaan.

“Let’s see first ang puno at dulo bago tayo magsalita na walang problema or meron problem. Of course kung ang findings ay talagang deliberate ang pagviolate ng ceasefire agreement ay wala ng dahiilan para ituloy ang peacetalks,” dagdag pa ng senador.

Sinuportahan din ni Villar ang pagtanggi ni Pangulong Benigno Aquino III na maglunsad ng all-out war laban sa MILF habang tatlong sundalo pa ang namatay sa hiwalay na sagupaan sa Zamboanga del Norte kamakailan.

“Huwag naman agad mag-all-out war. What I mean is stop first the peace talks at tingnan muna ang nangyari. Ang puno’t dulo na nangyari. Hindi puwede sabihin na tuloy, at hindi rin pwede sabihin na magkaroon ng all-out-war sa ngayon,”  patapos niya. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply