Mambabatas sinaulian ng solicitation

NAKAKAAWA naman ang dinanas ng isang mambabatas na ito dahil tumulong na nga at nagmagandang loob ay nagawan pang sulian ng kanyang solicitation assistance ng isang grupo sa Senado.

Batay sa impormasyong nakalap ni matang kuwago ng Remate nag-solicite ang isang grupo sa naturang mambabatas para gamitin at pandagdag na premyo sa kanilang raffle atr okasyon.

Subalit nang matanggap ng grupo na limang libo lamang ang tulong na ipinagkaloob ng mambabatas ay kanila itong binalik at humirit ng dagdag.

Walang nagawa ang naturang mambabatas kundi ang dagdagan na lamang ang kanyang tulong bago muli itong ipagkaloob sa grupong nanghihingi.

Matapos na malaman ng grupong nadagdagan na ang ibinigay ng mambabatas ay agad nila itong tinanggap, subalit nakalimutan ng grupo na hindi lamang sila ang humihingi ng tulong sa naturang mambabatas dahil sa mayroon ding mga mamamayan ng bansa nha mas higit pa ang pangangailangan sa kanila.

Sa pagkakakila ng marami sa pamilya ng mambabatas ay lubhang napakadaling kumatok at humingi ng tulong sa kanilang pamilya dahil wala ni isa mang taong ang napahiya na sa paghingi ng tulong sa kanila nasa posisyon man o wala.

Ang naturang hininging tulong ay ginamit lamang sa isang okasyon sa senado na idinaos lamang kamakailan, samantalang ang mambabatas na ating tinutukoy ay baguhan lamang sa pulitika subalit ang kanilang pamilya ay lahi at sanay na sa pulitika.

Isa siya sa mga biktima ng dayaan sa nagdaang halalan at muntik muntikan na ring hindi nakaupo bilang isang senador kung hindi ninyo pa kilala magtanong kayo sa mga sabungero na mahilig sa manok pagkat katunog ito ng kanyang pangalan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply