Mamimili ng bulaklak sa Dangwa dumadagsa na

ISANG araw bago ang paggunita ng Todos Los Santos ay dumaragsa na ang mga mamimili ng mga bulaklak sa Dangwa sa Maynila para iaalay sa kanilang mga mahal na yumao sa semneteryo.

Bagama’t tumaas ng halos doble sa normal na presyo ang mga bulaklak ngayong Undas ay patuloy pa rin ang pagdami ng tao sa lugar upang mamili ng bulaklak.

Karamihan sa mga ito ay mga wholesale buyer na magbebenta naman sa mga bulaklak ng tingi-tingi at sa mas mataas na presyo.

Maging sa harapan ng North Cemetery ay makikita na rin ang mga makukulay na bulaklak at gayundin ang mga iba’t ibang presyo ng mga kandila. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply