Mandaraya sa eleksyon makukulong na

ANIM na taon na pagkabilanggo ang nakaamba sa sinumang masasangkot sa dayaan sa halalan.

Ito ay matapos aprubahan sa huli at ikatlong pagbasa ang House Bill 4145 na inakda nina Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, Bohol Rep. Erico Aumentado at ABANTE MINDANAO party-list Rep. Maximo Rodriguez Jr.

Layon din ng panukala na amyendahan ang mga probisyon ng Batasang Pambasa 881 o Omnibus Election Code at Republic Act 8189 o Voter’s Registration Act of 1996.

Nakasaad sa panukala na sinumang masasangkot sa election related offense ay makukulong ng anim na taon at isang araw, pero hindi aabot sa labing dalawang taon.

Tumaas din sa limang daang libong piso mula sa kasalukuyang sampung libong pisong multa para sa mga partido o kuwalisyon kung saan kasapi ang isang election offender

Hindi naman lusot sa parusa ang mga miyembro ng Board of Election Inspectors, Board of Canvassers at Commission on Elections.

Umaasa ang mga kongresista na sa pagkakapasa ng panukala, magkakaroon na ang bansa ng malinis at tapat na halalan.

Samantala, depende na umano sa Senado kung ipapasa ang sarili nilang bersyon o ia-adopt ang HB 4145.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply