Mangingisda kritikal sanhi ng 6 na saksak

MALUBHA ang isang mangingisda matapos tadtarin ng saksak ng kanyang kalugar kaninang medaling-araw sa Dulong Tangos, Navotas City.

Nakaratay at ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng anim na saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Victor Javier, 27, ng Dulong Tangos ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, dakong 1:00 ng madaling araw ng pagsasaksakin ang biktima habang ito naglalakad sa isang madilim na bahaging daan pauwi sa kanilang bahay.

Nabatid na mag-isang naglalakad ang biktima ng bigla na lamang sumulpot sa madilim na lugar ang suspek at sinaksak ng anim na ulit sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Javier.

Matapos ang insidente mabilis na tumakas ang suspek na nakilala lamang sa alyas Joseph habang ang biktima  ay agad  dinala sa nasabing ospital. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply