Mangingisda patay sa kidlat, 1 pa sugatan

PATAY ang isang mangingisda, habang sugatan ang kanyang kasamahan  matapos tamaan ng kidlat pasado alas-7:00  kaninang umaga habang nangingisda sa baybayin ng Bayan Manapla, sa Negros Occidental.

Kinilala  ang biktima na si Romeo Amante,  habang ginagamot naman sa Silay City Hospital ang kasama nito na si Ronie Tero, pawang  ng Barangay 2-A, Manapla.

Ayon sa salaysay ni Ronnie, habang sakay sila ng pump boat, biglang kumidlat at tinamaan sila, agad ikinamatay ng kanyang kasama.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply