Maninisid ng tahong nalunod sa Manila Bay

PATAY ang isang maninisid ng tahong matapos itong malunod nang pulikatin ang kanyang paa  kaninang madaling araw sa Manila Bay sakop ng Malate, Maynila.

Inilarawan ang biktima ni P/Sr.Insp. Joey de Ocampo, hepe ng MPD-Homicide Section, na tinatayang nasa edad 40-50 at may taas na 5-6.

Sa report ni SPO2 Bernardo Cayabyab, may nakuha pang tahong sa bulsa ng biktima at may hawak itong  din itong plastic na punit na hinihinalang pinaglagyan nito ng mga nakuha niyang tahong at isang maliit at mapayat na bakal may taling nylon cord at na siyang ginagamit sa pangunguha ng tahong.

Ayon  kay Mark John Mamintos, 20, mangingisda at residente ng 1732 Estrada St. Tondo, Maynila dakong alas-12 ng madaling araw nang nangingisda ito at naramdaman niyang may bumanggang matigas na bagay sa isang nakadaong na pampasaherong yacht sa nabanggit na karagatan.

Nang tingnan ni Mamintos nakita niya ang biktima at sa takot ay kaagad niya itong ipinagbigay-alam sa MPD-PS 9 na siyang tumawag sa MPD-HS.

Nabatid na wala namang nakitang sugat sa katawan ng biktima ngunit may dugo na lumabas sa kanyang ilong.

Hinala ng pulisya na pinulikat ang biktima sa pangunguha ng tahong bago ito tuluyang nalunod.

Nabatid sa impormasyon, hindi umano kilala ang biktima sa lugar pero malimit umano itong nakikita na nangunguha ng tahong.

Dinala ang bangkay ng biktima sa St. Yvan Funeral Parlor para sa awtopsiya at safekeeping. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply