Mar target ang speakership sa 2013

MAY karapatan si Secretary Mar Roxas ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na tumakbo sa alinmang posisyon.

Ito ang tahasang sinabi ni House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. sa ulat na kakalabanin umano siya ni Mar Roxas sa taong 2013 sa pagka-kongresista sa ika-apat na distrito ng Quezon City.

Ipinaliwanag ni Belmonte na mismong si Roxas na aniya ang tumawag sa kanya noong araw na lumabas ang mga balita at sinabing isa lamang itong intriga at walang katotohanan.

Binanggit pa ni Belmonte na nagpadala sa kanya ng text message si Roxas na nagsasabing “wala yan, intriga lang yan.”

Tiniyak pa ng Speaker na kahit totoo ang balitang tatakbo si Roxas bilang kongresista at taliwas sa nai-text sa kaniya ay hindi niya ito kokomprontahin.

Ani Belmonte, mayroong karapatan ang kalihim na tumakbo sa congressional post at hangarin ang pagiging House Speaker sa 2013.

Dagdag pa ni Belmonte na kahit sinong may interest tumakbo sa kaniyang distrito ay hindi niya pipigilan subalit kailangang manalo muna sila sa eleksyon.

Magugunita na noong Enero ay lumabas ang mga ulat na sina Roxas at Belmonte ay tatakbo sa presidential election sa 2016 sa ilalim ng Liberal Party (LP) subalit mariin din itong pinabulaanan ng huli.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply