Maraming bubulagang big shows sa ABS-CBN (Saan ipupwesto?)

BEFORE the year ends, maraming bubulugang big shows sa ABS-CBN.

Todo-teyping na ang people behind “Ang Batang Ama,” with JM de Guzman as the lead star. Aarangkada na rin ang “Padre de Familia” ni Piolo Pascual, ang big break ni Luis Manzano, ang “Alta” at ang magbubukas na ring PBB sa susunod na linggo.

Nagtataka kami kung saan ipupuwesto ang ganitong karaming programa kung ang mapapalitan lamang ay ang “100 Days To Heaven” na magwawakas na soon at ang “Reputasyon”?

Stable pa rin ang “My Binondo Girl” nina Kim Chiu, Xian Lim, Matteo Guidecelli at Jolo Revilla.

Lalong hataw din sa ratings ang “Budoy” ni Gerald Anderson?

Ewan na lamang sa “Nasaan Ka, Eliza,” na hanggang ngayo’y hindi pa rin yata makita ang ranking sa ratings?

Bagama’t ang 100 Days ang pinakamatinding primetime in terms of rating, ayon sa aming source, ang ipapalit naman dito’y isang seryeng ang mga casts ay kabibilangan ng mga batang superstars ng Kapamilya. In fact, may teasers nang lumalabas kaugnay ng nilulutong programa for kids and sa mga kasambahay.

Sa remaining weeks ng 100 Days, si Gov. Vilma Santos-Recto ang magiging panauhin. Ngayong October 21 ang teyping ng said episode. Kukunan ito sa Kapitolyo ng Batangas.

Expect a riot atmosphere sa Batangas Capitol when 100 Days casts, invade Ate Vi’s palace.

—@@@—

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-20 taong pamamayagpag sa telebisyon ng Maalaala Mo Kaya (MMK), ang pinakamatagal na drama anthology sa Asya, isang espesyal na screening ng isa sa mga anniversary episodes nito na Tungkod sa Cinema 3 ng Edsa Shangri-La Cineplex ang ginanap kamakailan lang.

Ang nasabing episode na dinirek ng tinanghal na 2009 Cannes Film Festival Best Di-rector na si Brillante “Dante” Mendoza, ay kinunan sa Palawan.

Tunay na maipagmamalaki si Mendoza sa larangan ng alternatibong pelikula, lalo’t humakot na din siya ng mga parangal para sa pelikula niyang Kinatay.

Magmula 2005, nakagawa na si Mendoza ng siyam na world-class films na sumasalamin sa katotohanan ng lipunan, sa buhay ng mamamayang Filipino at maging sa mga isyu ng bansa. Sa screening, mismong si Mendoza ang nagpakilala ng dinirek niyang MMK episode.

Si ABS-CBN President at Chief Operating Officer Charo Santos-Concio, na siya din host ng MMK, ay nagbigay-inspirasyon sa lahat sa pamamagitan ng kanyang talumpati kung saan nagpasalamat siya sa lahat ng mga taong nasa likod ng tagumpay ng drama anthology. Dumalo din sa natatanging pagdiriwang ang Managing Director ng ABS-CBN Foundation Inc. (AFI) na si Gina Lopez, pati na rin ang iba pang VIPs at mga mamamahayag mula sa ibang

Lalong naging makabuluhan ang pagdiriwang nang ipinagkaloob ng Jinbei Corporation ang ilan sa kanilang mga de-kalidad na sasakyan upang gamitin sa mga programa ng AFI tulad ng eco-tourism sa Palawan.

Samantala, ang “Tungkod” ay kwento ng asawa’t inang si Bogs (Angel Aquino) na masidhing ipinaglalaban ang kanyang mga paniniwala. Sa kanyang dedikasyon at tapang upang ipaglaban ang mga ito, naaapektuhan na pala ang kanyang pamilya.
Sa kalagitnaan ng kanyang pakikipag-digma para sa karapatan, haharapin ni Bogs ang pinaka-matinding hamon ng kanyang buhay.

Ngayong 20 taon na ang Maalaala Mo Kaya, patuloy pa din itong magpapahayag ng kapayapaan, magbibigay-inspirasyon sa mga mamamayan at maglalahad ng kwento ng pag- ibig, pagpapakasakit, tagumpay, pagkawala, kalungkutan, kasiyahan at iba pang mga pinagdadaanan sa buhay ng tao na tiyak kapupulutan ng aral.

—@@@—

LAHAT ng co-prod ng GMA Films at Imus Productions ay pawang blockbuster sa takilya, kaya’t tiwala ang magiting nating senador Bong Revilla na ang kanilang Panday 2,  ay magtatagumpay muli as festival topgrosser ng taon.

Two years ago, ang Panday 1 ni Bong ang topgrosser. Last 2010, ang Agimat at si Enteng naman ang nanguna sa takilya.

Kaya’t base sa track record ng Panday or Bong’s MMFF entries, walang-salang panonoorin ito ng mga bata at lahat nang fans ng aktor-pulitiko. Kung tutuusin, malaki na ang nagagastos ng GMA Films-Imus Prods. sa nasabing project kaya’t isang malaking pressure sa mga tauhan ang pagiging number 1 nito sa takilya.

Sa palagay namin, kumpletos-rekados na ang Panday 2, dahil unang-una, ginawa ito para sa mga bata, may karakter ni Bagwis, may sirena at mabubuhay ulit si Lizardo (played by Philip Salvador).

Hahatakin din ng Panday 2 ang male viewers dahil nasa cast sina Marian Rivera, Iza Calsado at Lucy Torres.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply