Maraming nakami-miss sa tweets ni Alessandra

BAKIT kaya di na gaanong nagtu-tweet si Alessandra de Rossi ngayon? Ano o sino kaya ang pinagkakaabalahan n’ya ngayon?

Two or three weeks ago ay parang laging sunud-sunod mag-tweet si Alessandra nang kung anu-ano lang naman na parang jokes ng kasosyalan.

Natutuwa ako sa jokes n’ya, lalo pa’t sa Tagalog niya yon isinusulat. Gusto sana naming kopyahin ang ilan sa tweets n’ya para i-share sa inyo rito, pero nung in-access namin yung file ng tweets n’ya, wala na ru’n yung  jokes n’ya na ikinatuwa namin.

Isa si Alessandra sa mga artistang pina-follow namin sa Twitter. Siya nga siguro yung nagtu-tweet at hindi impostor lang dahil may tweets din under her two Twitter accounts na may plugging ng mga project n’ya. Ang isa sa mga yon ay ang album n’ya na parang siya mismo ang nagprodyus pero di pa nari-release commercially. Pero ipina-plug n’ya yon dahil may ilang cuts sa album na ipine-play na sa radio at naka-post na sa YouTube.

At nang i-access namin sa YouTube ang isa sa mga kanta n’ya, we ended up watching other very revealing videos na nasa the same page ng YouTube as some of her songs. Ang isa ru’n ay ang pagmumura ni Claudine Barretto ng P. I. nang muntik siyang matapilok habang kumakanta siya sa ASAP (which means matagal na ang video na yon dahil halos dalawang taon nang nasa GMA-7 ang misis ni Raymart Santiago).

Actually, parang di sine-censor ng YouTube ang pagmumura lalo na sa Tagalog, at may sistema sila na pinagtatabi-tabi nila ang mga video na may parehong tema. Bukod sa di sinasadyang pagmumura ni Claudine, may ilan pang pagmumura ng ilang sikat na personalidad na katabi ng kay Claudine -halimbawa’y ang kay Bro. Eli Soriano umano.

At bakit naman napalinya ang video ng songs ni Alessandra. Kasi nga ay may panahon palang nagtanong si Alessandra kay Bro. Eli tungkol sa pagkalito n’ya sa rami ng relihiyon. At iba yon sa uploaded video na nagmura supposedly si Bro. Eli.

Ang video ng pagtatanong ni Alessandra ay in-upload sa YouTube nung January 19, 2010 (and this does not necessarily mean na nung araw din na iyon nagtanong si Alessandra). Ang nag-upload nito ay isang umano’y nagngangalang “arconagbuya.” May 51, 858 views na ang video na yon. Malaki na rin yun na maituturing. Bahagi yon ng programang “Itanong Mo Kay Soriano.” Special inserted question lang yung kay Alex (palayaw ng aktres). Hindi siya dumalo sa ano mang pagpupulong ng sekta ni Bro. Eli kung saan sumasagot siya ng mga tanong. Parang nasa isang office sa kung saan si Alex nung tinutukan siya ng isang taga-UNTV 37 (kung saan ipinapalabas ang programa) ng mikropono para magtanong.

Naibalita namin sa nakaraang isyu ng kolum na ito na galit si Bro. Eli sa GMA-7 mula pa nung 2009 at nadagdag pa sa kinaiinisan n’ya ngayong 2011 ang subsidiary ng GMA-7 na GMA News (ang dating QTV 11, na ang GMA-7 din ang  nag-operate). Pero alam n’yo bang nung sometime before 2009 ay nag-guest pa si Bro. Eli sa “Bubble Gang,” ang napakasikat na gag show ng Kapuso Network?

While playing the character Junie Lee, Michael interviewed Bro. Eli. Ewan kung may Ang Dating Daan pa nu’n ang kontrobersyal na televangelist (o TV evangelist) pero in-acknowledge ni Michael na ang gag sa show nila na Ang Dating Doon ay inspired by Ang Dating Daan. Masaya at ngiti naman nang ngiti si Bro. Eli habang kinakausap siya ni Junie.

Ang video ay in-upload sa YouTube ng isang nagngangalang “duffidel” nung August 19, 2008. Nung in-access namin ang video isang oras bago namin isinulat ang kolum na ito, may 104, 401 views na ang video. Sangkatutak na yon, di ba? Malamang na ang malaking porsyento ng viewers ay mga kasapi sa sekta ni Bro. Eli na ang pangalan pala ay Church of God, International. “Presiding Minister” pala ang titulo ni Bro. Eli bilang founder-leader ng sekta at ang presiding vice minister naman ay ang pamangkin n’yang si Daniel Razon, ang big boss ng UNTV.

Kung gusto n’yo nga palang panoorin ang nabanggit naming YouTube videos i-type n’yo muna sa Google ang pangalan ni Alessandra at piliin n’yo sa lalabas na mga website at webpage yung video ng mga kanta n’ya. Pag in-access n’yo na kahit alin sa kanta ni Alex sa YouTube, makikita n’yong katabi ng mga iyon ang mga video ni Claudine at ni Bro. Eli sa iba’t ibang moods and circumstances. I-click n’yo lang nang i-click ang mga gusto n’yong panoorin. Oo nga pala, kahanay din ng mga iyon ang isang umano’y video ni Willie Revillame. Diskubrehin n’yo na lang kung anong klaseng video yon.

Konting warning nga pala: huwag n’yong lubusang paniwalaan ang ano mang video na mapapanood n’yo sa YouTube at kung saan pa mang website. Alalahanin n’yong nata-tamper at nae-edit ang mga video sa napakaraming paraan. Gaya rin yan ng mga litratong nariretoke, nahuhubaran ang may damit, napapakinis ang mga magagaspang ang kutis at napagsasama-sama ang mga hindi kailanman nagkita at nagsama.
May kanya-kanyang intensyon–maaaring mabuti o maaaring masama–ang mga naglalagay ng video sa YouTube.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply