Marianita Rivera ‘casino girl’ na rin

ISANG impormante ang nag-chika sa inyong dear columnist na minsan isang madaling araw ay naispatan nito ang mag-sweetheart na si Dingdong Dantes at Marianita Rivera na nagka-casino sa Resorts World Hotel, malapit sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City. Aba! Sana kung nag-e-enjoy lang sa panonood ang dalawa sa nasabing casino eh, hindi! Parehong naglalaro raw ng slot machine sina Dong at Marianita at walang pakundangan daw kung mag-ubos ng salapi itong si Marianita at panay raw ang pabili nito ng coins sa kanyang alalay. Kung kukuwentahin ay nakapaglustay raw ang magsiyota ng libu-libong piso sa pagsusugal.

Akala ba namin iniingatan na ng GMA-7 ang image ni Marianita? Hindi pa nga nabubura sa isipan ng publiko ang pagiging nega at maldita nito, hayan at makikita siya na nagpapatalo ng datung sa casino kasama pa si Dingdong.

Well, siguro dahil wala nang nagtitiwalang advertising agency sa kanya na mag-endorse ng produkto kaya ginagawa na lang nito ang gusto nitong gawin.

Hayan, ‘yung San Marino kumuha na ng kapalit niya in the person of TV host-politician Shalani Soledad. Karma gyud!

***

Exclusive stories, Ryan Bang, Derek Ramsay, Albert Martinez at Apl de Ap mapanonood bukas sa ‘The Buzz’

ISANG very exciting na episode na naman bukas ang inyong mapanonood sa favorite n’yong Sunday showbiz talk show na “The Buzz” na hanggang ngayon ay certified No. 1 pa rin sa National o Nationwide Ratings. Yes, maliban sa ilang mga exlusive stories na inihanda ng buong production staff na isa-isang pag-uusapan ng mga host ng show na sina Kuya Boy Abunda, Toni Gonzaga at Charlene Gonzales minus KC Concepcion na kasalukuyang nasa Paris, live guests rin today ang sikat nating Hollywood singer na member ng grupong Black Eyed Peas na si Apl de Ap, Derek Ramsay, Albert Martinez at ang controversial na Korean-Pinoy comedian na si Ryan Bang sa reaction nito sa pagkatatanggal sa kanya bilang hurado ng Showtime.

Naku! pakatutukan n’yong lahat ang episode na ito nang hindi kayo mahuli sa mga latest na kaganapan sa showbiz. Abangan din bukas ang mga segments nila Kuya Boy, Toni at Charlene lalung-lalo na ang kanilang Buzz Uncensored kung saan walang harang at straight to the point ang kanya-kanyang komento nila rito. Siyempre pa, hindi rin pahuhuli sa kanilang outfit ang mga hosts ng The Buzz. fashion kung fashion gyud!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply