Marianita Rivera papalitan na ng fresh and young na si Sam Pinto

MALIBAN sa hindi mabura-burang negang image ni Marianita Rivera ay atat na rin daw ang ham actress na magpakasal sa kanyang inahas na boyfriend kay Karylle na si Dingdong Dantes. kaya naman pagkatapos ng “Amalas” ni Marianita ay mamahinga muna ang kanyang beauty (baka feel na kasing magpabuntis kay Dong). Kaya naman kailangan na niya ng replacement.

At ang balitang papalit sa kanya ay ang maganda, intelihente, fresh and young na sikat na alaga ni Ms. Claire dela Fuente na si Sam Pinto sa isang de-kalidad na teleserye na gagastusan ng husto ng GMA-7. Bale ang tentative title nito ay The Legacy kung saan makakasama ni Sam ang co-talent sa management ni Ms. Claire na si Bela Padilla. Ka-join rin sa cast sina Heart Evangelista at Tito Eddie Garcia. Bale, ang pilot airing nito ay early of February next year na. Sa January na kasi magtatapos ang Amalas ni Marianita, so kailangang may kapalit na kaagad ito na bagong show. Ha’y naku! Sigurado kami na sa rami ng male fans nina Sam, Bela at Heart ay malalagpasan ng tatlo ang no-rating na Amalas ni Marianita Maldita sa national ratings!

Pero teka, di ba may pare-parehong episode ang mga nabanggit na aktres rito kay Riveratch. Lahat sila ay inaaway-away nito dahil sa kinakamatayan niyang Papa Dong. Ang cheap! Insecure at walang breeding gyud!

***

‘Private Benjamin’ ni Gay Icon Vice Ganda, inaabangan na ng kanyang mga tagahanga

WALANG duda na si Vice Ganda na nga ang pinakasikat nating gay comedian host. Lahat ng concerts at TV shows nito tulad ng “Gandang Gabi Vice” at “Showtime,” maging ang kanyang launching vehicle na “Petrang Kabayo” ay pawang kumita lahat.

Ang Showtime talaga ang dahilan ng lahat para maging isang popular na gay icon itong si Vice, at ang kanyang bituin ay lalong kikinang dahil sa bagong pelikula nito na Private Benjamin kung saan dito ay gagampanan niya ang role ni Benjamin Santos na kabilang sa angkan ng mga nagsisilbi sa militar. Sa katunayan, bongga ang opening ng pelikula dahil ipakikita nito ang kasaysayan ng pamilya Santos sa militar, mula pa sa panahon  ni Lapu-Lapu at Katipunan hanggang sa kasalukuyang panahon.

Magsisimula ang problema nang malaman ni Lolo Benjamin (Eddie Garcia) na ang kanyang apong nagngangalan ding Benjamin ay bakla kaya’t walang interes na magsilbi sa militar. Pero nang mahuli ng mga terorista si Lolo Benjamin, nagdesisyon ang apo na pumasok sa militar para maligtas ito pati na rin ang buong bansa na naglugmok sa isang civil war. Kasama ng mga nakababatang Benjamin sa misyon ang mga miyembro ng isang misfit platoon na kinabibilangan nina Derek Ramsay, DJ Durano, Vandolph, Jimmy Santos, Eddie Garcia, Dennis Padilla, Carlos Agassi, Malou De Guzman, Tuti Caringal, Kean Cipriano, Nikki Valdez at marami pang iba.

Ang pinaka-highlight ng movie ay magpapakalalaki rito si Private Benjamin alang-alang sa kanyang lolo, pamilya at bansa. Riot at punung-puno sa katatawanan ang kalalabasan ng taos-pusong pag-e-effort niya rito. Sa pelikulang ito ay muling nakatrabaho ni Vice ang blockbuster director na si Wenn Derramas na siyang nag-direk ng Petrang Kabayo na pinagbidahan nga ni Vice.

Palabas na ang nasabing movie sa darating na October 26 sa mahigit isang daang sinehan sa buong bansa. Ngayon pa lang ay inaabangan na ng mga hukbu-hukbong tagahanga ni Vice ang latest film niyang ito. Trailer pa nga lang ay talagang kinaaaliwan na ito sa mga sinehan, what more kapag napanood nyo na nang buo ang said movie talagang tanggal lahat ng pasakit nyo sa buhay. So watch for it mga Kapamilya!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply