Mariel Rodriguez inaabangan na sa 1st anniversary ng ‘Wil Time Big Time!’

INAABANGAN na sa October 22, 5 p.m. si Mariel Rodriguez kung makikita na siya sa first anniversary ng “Wil Time Big Time” na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

Ipamamahagi ang estimate na P30 million cash ng programa sa mga major prize at pa-raffle. Nandiyan pa ang tatlong house and lot at sampung sasakyan na kung saan lima roon ay Foton Tornado 2 model.

Bongga!

-0o0-

UMIINIT ang away nina Tita Annabelle Rama at Nadia Montenegro. Sey ni Tita A sa Showbiz Central “Itong isyu na ito, dapat hindi ko na papatulan supposed to be. Kasi mas sikat na ako, ‘no! May pangalan na ako, marami na akong fans. Yung gumagamit sa akin, no name, nameless! Sorry to say, wala siyang career.

“I don’t wanna to be used by anybody pero because dinemanda na niya ako, lalabanan ko siya. That’s why I’m here right now, to clarify.

“Siya, namimilit sa akin na i-manage ko yung dalawang anak niya.

“E, sabi ko, ‘Nads, matataba pa, dapat papayatin mo. Kasi sa TV, plus ten ‘yan, tsaka ano ba talent nila?’ Wala!

“Dahil kakukulitan niya sa akin, masyado siyang tawag nang tawag, kung anu-anong pagkain ang inihahanda sa akin…

“Sa madaling-salita, na-convince ako na hawakan ang mga anak niya.

“So, hinawakan ko anak niya. Hindi lang tatlo, e, pati dalawang maliliit.

“Gusto niya pati maliliit niyang anak, yung four years old tsaka seven years old, mag-artista na rin.

“Sabi ko, ‘Teka muna, hindi ko uunahin yung maliliit kasi mga minor masyado.'”

So, hinawakan niya muna ang dalawang teenagers?

“No, tatlo!” paglilinaw ni Annabelle.

“Yung dalawa lang ang may problema. Si Ynna [Asistio], nasa GMA, walang problema.

“Pinipilit niya akong i-manage, okay naman.

“Nakuha ko sila ng kontrata sa kabilang network [TV5], three years guaranteed contract sa mga anak niya.

“Nakakuha ako ng tatlong shows para sa mga anak niya, sayang kasi yung mga bata, enjoy na enjoy sa pagtatrabaho.

“Talagang trabaho, as in trabaho. Enjoy sila, marami sila, pambagets ang show, e. So, nanghinayang ako.”

“Si Nadia, laging may problema sa pera ‘yan, akong takbuhan niya. Noong time na pinapalayas sila sa bahay nila sa Blue Ridge, nagpatulong siya sa’kin na makapag-advance si Inah ng P1 million sa GMA para may pambayad sila sa rent doon sa bahay na lilipatan nila. Akong lumapit kay Annette (Gozon-Abrogar of GMA) kaya nabigyan sila. Sabi ko, ang mahal ng rent nila, P100,000 a month. Saan siya kukuha ng pambayad diyan? Ayaw niyang ibigay ang komisyon ko.

Huhulugan na lang daw ng instalment.

“Nagsangla siya sa’kin ng hikaw. (Annabelle showed it on TV.) P150,000 ito, three years na di pa bayad hanggang ngayon. Nag-birthday ang asawa niya, umutang sa’kin ng P30,000. Hanggang ngayon di pa rin bayad. She pulled out her kids sa TV5, mag-aaral daw. Sabi ko kay Perci Intalan (TV5 boss), sige, let them go.

Masakit ito dahil away ito tungkol sa pera. Pero hindi ko siya uurungan, haharapin ko siya. Sasagutin ko ang demanda niya, kahit umabot kami sa Supreme Court.

Bayaran mo ang mga utang mo sa’kin, plus three percent interest,” deklara ni Tita Annabelle.

Bukas ang pahinang ito sa kasagutan ni Nadia.

-0o0-

“MAS maganda yung nag-uusap ng harapan kesa sa mag-react sa mga naririnig, nababasa ko. Ayaw ko namang parang paranoid na react nang react, wala naman palang katotohanan ‘yung iba,” reaksyon ni Toni Gonzaga sa text diumano ni Mariel Rodriguez sa isang sikat na columnist/TV host na ayaw sa kanya ni Toni sa pinagsamahan nilang noontime show. ‘Yung ibang host ay gusto raw siya pero si Toni ay hindi.

Actually, nanaood naman daw si Mariel sa nakaraang concert niya sa Smart Araneta.

“Nagkausap naman kami at sabi niya manonood siya. Wala namang isyu sa amin. Kung anuman ‘yung mga narinig o nasabi niya..ako for me, wala naman talaga..wag na nating anuhin,” pag-iwas niya sa isyung hindi pa rin sila okey ni Mariel.

Naniniwala ba siya na mahirap nang ibalik ‘yung dating closeness nila ni Mariel dahil nagkalamat na?

“Siguro, mahirap sagutin ‘yan sa ngayon,e! Ako kasi..basta ang isa sa natutunan ko sa industriyang ito na pag nagkaroon ka ng kaibigan, dapat dahil konti lang naman ang mga pinipili kong kaibigan, kahit anong mangyari ay i-cherish na lang ‘yung mga magagandang pinagsamahan. Wag na masyadong negative, ayaw ko nang mag-isip ng maraming negative,” aniya pa. Ayaw ko nang pag-usapan kasi pag pag-usapan ‘yan magiging isyu na naman tayo,” reaksyon pa niya.

So, sino ang pinaka-close mo?

“Si Vhong (Navarro). Wala pa si Direk Paul (Soriano) sa buhay ko, sina Bianca (Gonzales), Mariel, nasa GMA pa ako, si Vhong na ang una kong kausap. Ang mga lalaki kasi hindi masyadong emosyonal, diretso lang sila, logical sila,” aniya pa.

Si Piolo?

“Hindi kami naging masyadong close dahil napaka-busy niya. Basta nakatrabaho ko lang siya,” sagot pa niya.

Anyway sa Oct. 9 ay mapapanood na ang Toni G@10 sa ABS-CBN Sunday’s Best.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply