Masaker at riding in tandem kahit saan

NAKAPANLULUMO ang mga nagaganap na krimen sa panahon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino.

Habang rumaragasa sa mga lansangan ang mga mamamatay-taong riding in tandem, sunod-sunod din ang mga masaker.

oOo

Naunang minasaker ng mag-ama ang anim kataong  pamilya sa San Pablo City, Laguna ilang araw lang ang nakararaan. Karet at itak ang ginamit dito.

Hindi pa naililibing ang mga ito, minasaker naman ang tatlong 14 anyos na estudyante sa Balungao, Pangasinan.
Mga baril na M16 at M14 ang ginamit sa pamamaslang.

Kahapon naman, minasa-ker din ang apat-kataong pamilya.
Mismong ang ama ng tahanan na isang seaman ang bumaril sa kanyang asawa, dalawang anak at bago ito nag-suicide.

oOo

Hindi natin lubos na maisip ang mga dahilan ngunit may mga galit na kinikimkim ang mga salarin.

Pero kung titingnan ang mga pangyayari sa mas malawak na tingin, ano ba talaga ang nagtutulak sa mga ito para mangmasaker?

May koneksyon ba ang ganitong utak sa nagaganap sa bansa?

Por eksampol, hindi ba naririndi ang mamamayan sa wala na yatang puknat na awayan mismo ng mga nasa pamahalaan?

Dahil nakatuon ang atensyon ng mga nag-aaway-away na mga pulitiko, kasama na ang mga nasa husgado, sa kanilang mga sarili, napababayaan na ang mga mamamayan.

At ang mamamayan na lang ang lumulutas sa kanilang mga problema na dapat sana ay inaasikaso rin ng mga nasa pamahalaan.

O baka naman ayos lang ang mangmasaker dahil tatak din ito ng mga nasa poder gaya ng Hacienda Luisita at Mendiola massacre?

Diyos na mahabagin!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply