Masaya na ang Undas hindi na malungkot

MAY napapansin lang tayo ukol sa Undas sa mga araw na ito.

Hindi na malungkot na katulad ng panahon ng lolo ko.

Siyempre may lungkot para sa mga bagong nauulila.

Pero ngayon, pasaya na nang pasaya.

oOo

Ngayong unti-unting nilalamon ng ibang relihiyon ang katolisismo, lumalawak din ang paniniwalang diretso sa langit ang kaluluwa ng mga namatay.

Ke ililibing nang buo ang namatay o ipasusunog ito sa krematoryum. Ke masamang damo o hindi ang namatay, ke bayani o nagswisayd yan.

Ang ibang pananampalataya ang nagbibigay ng iba’t ibang damdamin pagdating sa mga namamatay.

oOo

Nakapagbabago rin ang teknolohiya, Suki.

Akalain ba nating, kabi-kabila ang mga bidyo-singko kung tawagin.

Bawat purok, meron ka nang matatagpuang maiingay ang kapaligiran at puro sing-alongan ang nagaganap.

Kahit sa mga resort o beach, marami rin nito.

Sapagkat hindi na sa sementeryo nagtutungo ang maraming tao kundi sa mga pasyalan at doon na lang din sila nagtitirik ng mga kandila.

Pagdating ng gabi, saka sila naghahalo-halowin. Maghuhulog sila sa dyukbaks o bidyo-singko ng P5, makakakanta ka na ng My Way at anomang gusto mong kantahin.

At masayang-masaya  na ang paligid.

oOo

At alam ba ninyo, Suki, na sa maraming lugar, kahit nakaburol pa ang namatay, pinasasaya o pinagagaan ng loob ng mga marurunong kumanta ang mga nauulila?

Isa pa, hindi na yata nauuso ang mga kantang-iyak dahil hindi na marunong dito ang mga namamatayan.

Sa mga lolo’t lola na lang  nakikita ito pero nang pinagkukuha na sila ni Lord, naglalaho na rin ang ugaling ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply