Masyadong nai-internalize na ang pagiging bading!

NAKATSIKAHAN namin ang mga komedyanteng sina Jose Manalo at Wally Bayola at ang una naming itinanong ay kung pareho ba or magkasing-presyo ba ang talent fee nila?

Ayon kay Jose…

“Pareho lang! Dumating yung time na tinataas nila yung TF ko pero hindi ako pumayag. Gusto ko pareho kami. Hindi ko tinatanggap pag mas mataas ang TF ko.”

Sinabi naman ni Wally na…

“Actually hindi ko alam e, hindi ko alam.”

Hindi raw nila napag-uusapan ang tungkol sa TF…

“Sa totoo lang, hindi, hindi. Actually kung sa ibang shows, dahil minsan naman… actually nauna naman talaga si Jose sa akin, yung ganun. Si Jose yung ganun, kung mas mataas siya, pero yung nag-uusap about TF, parang hindi.”

Hindi siya insecure kay Jose?

“Hindi ako kailangang ma-insecure kasi nauna naman si Jose sa ganitong klase ng trabaho.”
Tinanong naman namin si Jose nag-away na ba sila ni Wally?

“Hindi. Hindi pa kami nag-away ni Wally.

“Hindi pa kami nag-away kahit saan, hindi pa. May tampuhan during the show, yung halimbawa hindi mo na-catch up yung ginagawa nung isa, pero after that wala na, e.

“Siguro mga dalawa-tatlong minuto na tumatahimik pero tapos nun wala na, e. Kahit kami hindi din kami nag-uusap na ‘Oh ganito ha, yung tampo mo.”

“Hindi. Kami na rin ang gumagawa sa sarili namin para mawala yung tampuhan sa aming dalawa,” bulalas ni Jose.

Tinanong naman namin si Wally tungkol sa ilang nagkukuwestiyon sa gender niya; kung bading ba siya talaga o hindi?

“Ganito kasi yun. Nag-start kasi ako bago pa ako mag-Bulaga, nag-start na ako sa sing-along bar, so bago pa ako pumunta sa sing-along bar, galing na akong theatre.

“So most ng mga ginagawa kong character is bading. Hanggang pumasok ako sa banda. Banda kami, puro kami lalaki, Mixed Nutz [ang banda].

“Sa Bicol yun pero tumugtog kami dito sa Maynila, nagpapatawa kami, nagba-bading-bading tapos parang ang naging… yung grupo, tumugtog dati sa dating Cosmo Bar na nakaka-alternate namin sina Allan K, sina Arnell Ignacio.

“Hanggang si Mamu Andrew de Real, siya yung nakakita sa grupo na parang siya yung nag-workshop, binibigyan ng mga ideas.

“Siya yung naging scriptwriter so sabi niya ‘Ay, nagbabading-bading pala ito! Gawin mo yung ginagawa ni Allan.”

Pero hindi siya bading?

“Hindi!

“So parang naging yung galaw ko na lang na-adapt ko na lang sa katagal-tagalan ng panahon.”

In fact, may asawa at limang anak si Wally.

“Siguro sa pagpe-play ng karakter.

“Alam ninyo, minsan sa bahay, alam mo yung usually kapag nakikipag-usap tayo sa asawa natin, ‘Alam mo na kasing may party, ang bagal-bagal mong gumalaw, e! Sana mas maaga yung ano mo!’

‘Kumbaga ganung sitwasyon naming mag-asawa, alam mo minsan sa sobrang relaxed ko, na kung tumalak na ako sa asawa ko parang ano [bading] na, ganun na yung the way na magsalita ako,” ang tumatawang sinabi ni Wally.

“Minsan sa mga na-adapt mo yung the way na bading na magsalita, yung movements.

Hindi naman raw siya naniniwalang magiging bading na nga siya sa kagagaya niya sa pananalita at kilos ng isang bading.

“Sa akin hindi kasi ewan ko, siguro pag nain-love na ako sa lalaki. Ha! Ha! Ha!”

Hindi siya nao-offend kapag napagkakamalang bading?

“Hindi, nasanay na ako,” say pa ni Wally.

Sa bagong show ng MZET Productions at TV5, magpapakitang muli ng kahusayan sina Jose at Wally sa The Jose & Wally Show Starring Vic Sotto.

Isa itong weekly comedy series na mapapanood tuwing Sabado simula November 5.

Sa direksyon ni Bert de Leon, gaganap sina Jose (as Joey) at Wally (as Willie) bilang mga komedyante sa magkalabang istasyon na dahil parehong nawalan ng career ay magsasama sa iisang show na ang direktor ay si Direk Vic (Bossing Vic).

Kasama rin sa show na ito ng Kapatid network sina Miriam Quiambao, Bubuy Garovillo, Jimmy Santos, Diane Medina Erika Padilla at Niña Jose.

-0o0-

SOBRANG love talaga ng basketeer na si Jayjay Helterbrand ang girlfriend niyang si RR Enriquez.

Naisulat namin dito rin sa aming kolum na bago mag-birthday ang una ay binigyan siya ng surprise birthday party ng huli. Nung mismong birthday ng sexy comedienne, nung Wednesday ay binigyan siya ulit ng sorpresa ni Jayjay. Nag-rent ito ng helicopter para dalhin sa Batangas at Tagaytay si RR para mag-sight seeing sila roon. Nung lunch time naman ay kumain sila sa isang mamahalin at sosyal na restaurant sa Tagaytay.

Sobrang touched at na-appreciate raw ni RR ang sorpresang ‘yun ni Jayjay sa kanyang nakaraang kaarawan. Hindi nga raw siya makapaniwala na  nangyayari rin ang mga ganoon sa totoong buhay. Ang akala niya raw ay hanggang sa pelikula lang mga ganoong eksena.

Napapanood si RR sa seryeng “Reputasyon” ng ABS-CBN 2.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply