Matamis na ngiti ng tagumpay ng Pinoy (2)

NOONG una ay nagtatrabaho si Gino Sunga sa Singapore kasama ng isang banda hanggang sa unti-unting lumawak ang mundo na kanyang napapasok.

Hindi naging madali para kay Gino na masilayan ang tamis ng ngiti ng tagumpay lalo na sa isang bansa na sadyang iba sa kanyang kinalakhan.

“To tell you the truth, when I started working here in Singapore, it was very difficult because you know, coming from the Philippines then you have to speak English because that’s the language here. They call it Singlish, it’s a combination of Malay, Chinese, Indian with English so they call it Singlish,” dagdag na kwento niya.

“Dito a lot of things are not allowed, although I get away with most things. Pero there are certain things you still cannot do, that you can get-away with anytime like in the Philippines,” pahabol pang salaysay niya.

Kabilang rin sa pagsubok na kanyang binata ay ang pangungulila sa kanyang pamilya. “When you’re working here you need to be willing to miss your home, go without your family for a long period of time,” saad niya.

Sa kanyang pananatili sa nasabing bansa ay iba’t ibang lahi, iba’t ibang ugali at kultura ang kanyang namalas at nakita.

Pinalad rin siya na maka-trabaho ang ilang kilalang personalidad sa mundo ng entertainment kabilang na sina Aiza Seguerra at Erik Santos na mga kilalang personalidad dito sa Pilipinas.

Ang bawat pangungulila at pagsisikap ay may kapalit na matamis na ngiti, ang bawat pagsubok ay napapalitan ng tagumpay gaya ng nangyari kay Gino Sunga na isa ng matagumpay na entertainer sa bansang Singapore.

Bagama’t hindi siya kasing popular ng mga kilalang personalidad sa mundo ng entertainment ay patuloy na nagsisikap at nakikipagsabayan sa husay at galing ang ating kababayang si Gino upang patuloy na maiangat at maipakilala sa mundo ang husay at galing ng Pinoy.

“Singaporeans love the way Filipinos treat their jobs. Very hard working, very dedicated and they don’t mind taking extra hours and that I think is very common anywhere else in the world co’z for Filipinos when they are here, they take it as an opportunity,” pagtatapos ni Gino.

***

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply