Matamis na ngiti ng tagumpay ng Pinoy

MATATAGINTING at malalakas na tawanan ang maririnig kapag nag-pe-perform ang Pinoy na si Gino Sunga sa Boiler room sa Singapore.

Sa kanyang mga ginagawa ay sino nga ba ang hindi maiiwanan ng ngiti sa labi at makalilimot sa problema?

Subalit paano nga ba ang maging isang performer sa isang bansa na iba ang kinagisnang kultura at kaugalian?

Kilala ang mga Filipino sa pagiging likas na masayahin, kahit nasa gitna ng mga suliranin at pagsubok ng bu-hay ay kakambal na natin at kaagapay sa pagharap sa mga ito ang positibong pananaw at ang ating matu-tunog at matataginting na halakhak.

Sa minsan kong pagbisita sa bansang Singapore ay nakilala ko ang Filipinong si Gino na isang matagumpay na stand-up comedian doon.

Isinalaysay niya sa akin kung paano siya nagtagumpay na pasukin ang entertainment world ng bansang tinaguriang ‘fine city’.

Nasa Pilipinas pa lamang ay trabaho na ni Gino ang paghahatid ng ngiti sa labi ng ating mga kababayan.

“I perform almost everywhere like Bar Uno, I’ve also been a part of Punch Line and fun line, maraming-maraming comedy bar na na-performan ko,” salaysay niya sa akin.

Napunta siya sa Singapore nang muling magbukas sa kanya ang isang pintuan upang makapag-perform naman doon.

Hindi na bago para kay Gino ang magtrabaho sa nasabing bansa  sapagka’t nakarating at naranasan na niyang magbanat ng buto roon noong dekada 90’s.

Noong una ay nagtatrabaho siya roon kasama ng isang banda hanggang sa unti-unting lumawak ang mundo na kanyang napapasok. “

I sometimes do choreography help with the choreographers ‘coz we have dancers also during primetime. Of course we do a lot of shows, events and I helped in the boiler room,” aniya. (ITUTULOY)

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply