Matandang barko ng navy inutil sa kalamidad

HABANG tinitipa natin ito, nakaamba ang bagong bagyo na si Ramon.

Sa parteng Mindanao at Visayas umano manggagaling si Ramon at posibleng daanan nito ang buong bansa.

Kabilang si Ramon sa inaasahang nasa limang bagyo pang darating hanggang sa Kapaskuhan.

oOo

Alam ba ninyo ang ating nararamdaman?

Ngayon pa lang ay napadadasal na tayo. Napapadasal tayo dahil ang Diyos na lang yata ang maaasahan at hindi si PNoy at ang kanyang mga tsuwariwap.

Bakit? Aba, tingnan ninyo ang naganap noong kasagsagan ng bagyong Pedring at Quiel at nagaganap hanggang sa ngayon.

Inutil ang pamahalaan sa pagliligtas sa mamamayan sa oras ng kamatayan, gutom at hirap. Kakaunti ang bangka o rubber boat, walang helikopter, walang amphibian.

Nakapagtataka lang na wala tayo ng mga ito pero nakabili agad sina PNoy ng matandang barko sa halagang nasa P500 bilyon. Ang barko ay panakot lang umano sa gustong mang-agaw ng Spratlys na ating nasasakupan.

oOo

Tingnan ninyo, Suki, walang nagagawa ang matandang barko sa nagaganap na baha, lanislayd at bagyo.

Kung ibinili sana yang malaking pera na yan ng mga rubber boat, helikopter, amphibian truck,  emergency truck, buldoser, payloader at iba pang kagamitan laban sa kalamidad, aba, mas madali para sa pamahalaan ang gawaing search and rescue sa mga biktima ng kalamidad.

Pero mas ginusto pa nina PNoy ang gumiri sa giyera kaysa maghanda laban sa kalamidad.

Dagdag dito, bakit yang paghahabol kay Gloria ang higit na pinagkakaabalahan ng Palasyo ngayon, huh?

O hindi ba kayo matututong magdasal kung ganito ang nagaganap?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply