Matataas na kalibre ng armas nasamsam sa bahay ng vice-mayor

IBA’T IBANG uri ng matataas na kalibre ng baril ang hawak na ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos makuha sa bahay ng isang bise alkalde sa Lanao del Sur.

Kinilala ang suspek na si Ismael Sankad Mamarinta, bise-mayor ng Buadiposo.

Nakuha sa bahay ng suspek na noon ay wala sa kanyang bahay ang dalawang micro Ingarm, tatlong kalibre 45 at isang M-16 armalite rifle.

Kasong illegal possession of firearms ang isa lamang sa posibleng kaharapin ng suspek, habang hiwalay na asunto naman kung mapapatunayan ang sinasabing private army ng suspek.

Todo depensa naman ang mga kaanak ni Mamarinta sa mga nakuhang baril, giit nila pang-self defense lamang ang mga ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply