Matindi kasi ang arrive: Manang Cristy Fermin kabog kay Zoren Legaspi!

SA KANILANG “Chakarazzi” showbiz talk show sa TV5, kapansin-pansin ang pagmamaasim ni Manang Cristy Fermin sa co-host nitong si Zoren Legaspi. Sa kanilang mga hosts kasi ng no-viewership na programa, compared sa kanila ni DJ Mo, mas matindi ang dating ni Zoren. No wonder, ang actor host na ang hot item sa mga tabloid dahil sa mga pinasasabog nitong scoop na ang latest nga ay tungkol sa batang bininyagan sa Edsa Shangri-la na anak daw ni Congressman Manny Pacquiao sa isang Culinary student na si Kat Ordonez. At sa kabila ng denials nang bawat kampo ay pinaninindigan talaga ni Zoren ang kanyang balita.

Imagine! Isang actor lang pala na kagaya ni Zoren ang makatatapat ni Manang Cristy na nagself-proclaim na siya na ang bagong Reyna ng Intriga, di ba?

Sa true, mas bagay kung Reyna ng Orocan o Reyna ng Balagtasan ang title mo Inay. Kasi naman, para makasabay ka eh matuto ka naman ng mga makabago at usong lenggwahe. Hindi ‘yung panahon pa ng kundiman ang alam mo. Napaghahalata na tuloy na lolang-lola na ang arrive mo sa TV. Mabuti pa ang kasamahan nyo rin sa show na sina Ruffa Guttierez at Dolly Ann Carvajal, nakasasabay sila sa mga young generation. Ha’y naku! Mag-resign ka na kasi riyan sa Chakarazzi at sa Juiceless No Express nang kumita naman ang Kapatid network na matagal ng panahong nalulugi sa iyo! Period at walang comma gyud!

***

Maki-foodtrip na kasama si Gelli de Belen sa ‘Gellicious’

ORAS na para baguhin ang inyong nakagawiang programa sa umaga sa isang programang mas nakatatakam. Ang bagong TV5 Kapatid na si Gelli de Belen ang magdaragdag ng sarap at ligaya sa umaga sa kaniyang pagtuklas sa mga lugar na tutugon sa inyong mga pagtatakam sa “Gellicious.” Magmula sa mga street food, bagong restawran, pati na rin ang mga exotic na pagkain, aalamin lahat iyan ni Gelli kasama ang kanyang food patrol. Sa loob ng 30 minuto, makakukuha rin ang mga manonood ng mga tips kung saan makahahanap ng de-kalidad ngunit murang karne, prutas, gulay at iba pa. Araw-araw, madadagdagan ang inyong kaalaman sa mundo ng pagkain dahil ihahatid ni Gelli ang lahat ng kailangan ninyong malaman. Samahan araw-araw si Gelli de Belen sa kanyang food trip malapit na malapit na sa TV5.

Si Gelli ay mina-manage ng Backroom Incorporated.

***

Bb. Pilipinas-International Dianne Necio send off party

NAPALUHA si Bb. Pilipinas-International 2011 Dianne Necio matapos niyang marinig ang mga inspirational messages ng mga kasama niyang Bb. Pilipinas 2011 winners na sina Ms. Universe 2011 3rd runner up Shamcey Supsup, Bb. Pilipinas-Tourism Isabella Manjon, 1st runner up Janine Tugonon, 2nd runner up MJ Lastimosa, Ms. Universe 2010 4th runner up Venus Raj, Jennifer Barrientos at Patricia Fernandez sa send off party na ibinigay sa kanya kahapon. Nakatakdang tumulak sa Oktubre 20 papuntang Chengdu, China si Dianne para lumahok sa Miss International 2011 competition na gaganapin sa Nobyembre 6, 2011 sa nabanggit na bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply