May basbas si Mayor Binay sa tadong towing service?

PAHAPYAW nating silipin kung ligal o iligal ang isang Towing Service sa may South Superhighway sa Makati na katabi lang  mismo ng Avitel Suite.

Ewan natin kung awtorisado itong mag-tow ng mga sasakyan na nagpapark sa mga kalsada nang wala sa mga tamang lugar.

Dapat ay bigyan ito ng pansin ni Makati Mayor Junjun Binay dahil sa kanyang kaharian na nanalasa ang Metro Towing Services na ito.

Grabe kung maningil ang mga nagto-towing rito, halos  walang mga patawad.

Sobra pang napakawalanghiya pa ang mga tao rito pero pag hinihingan sila ng permit ng kanilang mga tino-tow ay wala namang maipakita.

Mayor Junjun, bago pa maghinala ang mga kababayan mo sa Makati ay aksyunan naman ninyo ang reklamo nila.

Basahin ninyo ang nilalaman ng text  message nila.

Gud am, Mr. Johnny Magalona.

Paki-imbestigahan ho sana ninyo itong Metro Towing Services sa South Superhighway, Makati sa tabi lang ng Avitel Suite. Na-tow nila minsan ang kotse ko sa Nichols Pasay. Sobrang walanghiya ang mga tao nila.
Hinihingan ko sila ng permit pero wala ho silang maipakita. Kaya lumakas ang loob ko na komprontahin sila at gumamit ng konting impluwensiya.

Sa takot ho nila, ni-release nila ang kotse ko at pinagbayad na lang ako ng P300 sa dati nilang sinisingil na P2,800.

May binabanggit ho silang Col. Santos ng Pasay Traffic na operator daw nila. Ang inaalala ko lang ho ay paano naman kung yung ibang maliliit na tao ang   mabiktima nila?

Saan kukuha ng halagang P2,800 ang mga ito para makuha nila ang sasakyan nilang na-tow?

Umaasa ho kami na magagawan niyo ng lunas itong bagay na ipinarating ko sa inyo. Salamat ho.

Anoman ang reklamo, mangyari ay i-text lang sa 09189274764, 0926671-9269 o i-email sa  juandesabog@ yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply