May pasabog sa rica-ricang businesswoman ang kuring na beauty queen!

MAY pasabog daw ang dating beauty queen-actress pag hindi naayos ang gusot nila sa pera ng isang TV producer-businesswoman. Gustung-gusto na raw niyang iparating sa media ang problemang ito.

Ayon sa kaibigan ng actress, kumuha diumano ang TV producer ng malaking pera sa kaibigan niyang beauty queen na ginamit sa kanyang lending business at mga real estate investments pero talagang di na siya nakabayad. May kulang pa diumanong 3 million.

Ano kaya ang paliwanag ng TV producer tungkol dito?

Tungkol pa rin sa beauty queen-actress, pinagtsismisan din ang kakunatan nito na kung saan ay tsinugi na raw ng isang derma clinic. Pag nagpapalinis raw ng mukha ay P5 hanggang P20 ang tip.

Tuwing dumarating raw ito ay nagtuturuan ang mga tauhan dun kung sino ang magpi-facial treatment sa kanya dahil makunat pa sa inuyat itong magbigay ng tip.

Naungkat din tuloy sa isang umpukan ang kagaya niyang beauty queen-TV-host-actress na laging umiiwas sa pagbibigay diumano ng tip. Kunwari raw ay may kausap ito sa cell pag oras na nang bigayan ng tip sa isang derm clinic din.

Balita rin na sinususi raw ang ref para di mapakialaman ng katulong ang pagkain. Kahit sa pagbili ng lansosnes ay binibilang daw nito na akala mo ay dinadaya at kulang sa timbang.

Talbog!

-0o0-

UMAMIN na si Pia Guanio na kasal na siya sa boyfriend nitong si Steve Mago.

“I will categorically answer that, and the answer is yes,” sey niya sa ‘Showbiz Central.’

Aniya, 50 raw ang naging guests nila na ginanap nu’ng October. Inilihim daw nila ito dahil gusto nilang maging pribado.

“We wanted just a few people because we wanted to concentrate on the ceremony, on the blessing, on the message from our pastor. Ayaw talaga namin ng unnecessary distraction which what a big, real wedding entails. So minabuti na lang namin to have our families present because honestly sila lang naman talaga yung pinakaimportante,” paliwanag niya.

Tsuk!

-0o0-

“WALA akong anak dun. Halleur. Tanda niya no,” reaksyon ng Viva Hot Babe na si Isabella Gomez dahil may nagsulat na hinahanap daw ni El Kapitan ang kanyang anak dito.

Yes, Isabel is now a mother of a seven year old kid na grade 2 na ngayon. Lihim lang sana ang pagkakaroon ng anak ni Isabella pero inaangkin ngayon ni El kapitan  ang anak niya. Pero sa pagkakaalam namin anak ‘yun ng unang boyfriend ni Isabella na halos kaedad niya na taga-Davao.

Wala namang masyadong binigay na detalye si El Kapitan, except that nakarating daw sa kanya na kamukha niya ang bata.

Pero di raw siya tiyak, medyo naughty pa na sabi ni El Kapitan. Kung sakali raw, mas gusto niya na ipa-DNA ang bata para makasigurado siya.

“Kakaloka naman ‘yan. Baka ano isipin ng bf ko pag pinatulan pa yan,” text pa ni Isabella sa amin.

Anyway, natawa si El Kapitan nu’ng isang reporter ang nag-suggest na dapat daw magpa-reunion presscon ito para sa lahat ng mga nagkaroon ng kaugnayan sa kanya.

“Hahaha, nakatatawa, meron ng carnapper, meron ng prostie, meron pang addict. Di kaya mahirap na mapagsama sila,” pabirong sabi pa ng reporter.

“Sige, ok sa akin ‘yan, imbitahin n’yo sila,” sersyosong sabi pa ni El Kapitan.

Talbog!

-0o0-

HANDANG-HANDA na ang Philippine Movie Press Club (PMPC) 3rd Star Awards for Music sa pagkakaloob ng mga natatanging karangalan para sa maipagkakapuring alagad ng musika sa ika-16 ng Oktubre 2011, ika-6:00 ng gabi, sa Lee Irwin Theater, Ateneo de Manila, Lungsod ng Quezon.

Magsisilbing hosts sina Christian Bautista, Nikki Gil, Gian Magdangal at Karylle. Ang trivia host ay si Janno Gibbs at si Jaya ang primer host.

Maghahandog ng special numbers sina Cesar Montano, Pilita Corales, Jed Madela, The Company, Angeline Quinto, at Sakto (Rodjun Cruz, Lucky Mercado & Edgar Allan Guzman).

Ngayong taong ito ay pararangalan ng PMPC ang 15 OPM icons, sila ay napili sa mga pambihirang achievements na naiambag sa musikang Pinoy sa kanilang 40 years sa industriya. Ang mga ito ay sina Jose Mari Chan, Celeste Legaspi, Sylvia La Torre, Ryan Cayabyab, Mike Hanopol, Pepe Smith, (APO) Jim Paredes, Boboy Garrovillo, Danny Javier, Basil Valdez, Madrigal Singers, Victor Wood, Pilita Corales, Freddie Aguilar at Nora Aunor.

Ang tatanggap ng Lifetime Achievement Award ay si Ms. Nora Aunor.

Ang 3rd PMPC Star Awards for Music ay mula sa Beginnings at 20 Plus, Inc. ni Ms. Pelita Peralta Uy, sa pakikipagtulungan ng Net 25 at Star Express. Mula ito sa direksyon ni Arlene Tolibas.

Ang kabuuan ng 3rd PMPC Star Awards for Music ay mapapanood sa ika-23 ng Oktubre, 9:30 pm, sa Net 25. Ang primer ay sa ika-22 ng Oktubre, 8:00 pm, sa Net 25.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply