May tsika, Vice Ganda parang bini-BJ si Direk Paul Soriano sa entablado!

CONGRATS kay Mommy Pinty Gonzaga bilang producer ng very successful na Toni@10 na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong September 30. And it doesn’t stop there, siya pa rin ang producer ng telecast ng nasabing concert nitong nakaraang Linggo sa ABS-CBN Sunday’s Best. Agad-agad huh!

Sa isang tsikahan galore somewhere in Morato after that very eventful night at the Big Dome ay nagpahayag ng konting ‘pagkadismaya’ si Toni dahil ginawan ng isyu ang production number ni Vice Ganda, involving her sis Alex and husband-to-be Paul Soriano.

Sa hindi nakapanood sa Big Dome o sa TV, sa portion ni Alex ay talagang bumababa ng stage para sunduin si Paul with matching hila pa ng kanyang sis-in-law-to-be.

Pagdating sa stage, tinawag ni Alex ang isang stripteaser dahil ang portion na ‘yun ay “stag party” daw sa ikakasal na director at ang lumabas ay Vice Ganda na talagang naka-suot ng very skimpy one-piece and heavily sequenced pa.

What came next, paupo-upo si Vice sa lap ni Paul, may palingkis-lingkis pa at ang height, pasubo-subo sa mike na hawak ni Paul which was rightfully rested sa lap ng director. Thus, ang dating ay bini-BJ ng komedyante si Paul. Kaya naman, nakapagbitiw daw ng pananalita si Paul to the effect na, “I will pray for you.”

In defense naman si Toni, “Nahihiya tuloy ako kay Vice, wala namang isyu roon. In fact, nag-hug nga ang dalawa nang nagkita sa backstage. Nahihiya talaga ako sa kanya dahil siya pa itong nagprisinta para sumali sa show bilang suporta.”

And speaking of Vice, na-move ang showing ng kanyang ‘Praybeyt Benjamin,’ a movie co-produced by Star Cinema and Viva Films from October 12 to October 26.

Just imagine, sa ginanap na presscon ng rated GP film pero ang tanong ay may temang ‘acceptance’ at ‘makamundong pagnanasa’ sa kapwa.

Dito inamin ni Vice na malaki ang pagnanasa nito sa kanyang leading man na si Derek Ramsay. Kaya naman sobrang in-enjoy nito ang kanilang mga eksena lalo na sa shower scene.

Would you believe, ‘tinayuan’ daw siya ng utong sa kanilang shower scene lalo na sa parteng nababasa ang boxer short na suot ni Derek dahil naaninag daw ang ‘buko bells’ nito. Hahahahaha!

Teka Vice, duda lang kami, baka bigla siyang nagka-boobs at humaba ang buhok sa sobrang pagnanasa sa aktor. Hahaha!

At may moment pa pala siyang nag-request kay Direk Wenn Deramas na gawin na lang siyang ‘peeping tom’ kaysa magsabay silang nagsa-shower pero hindi siya pinagbigyan kaya nangyari na ang nangyari.

Sobrang tense daw siya dahil ang pinagnanasahan nito ay sobrang generous sa sarili sa pagiging friendly. Sa parteng ito siya nahihiya dahil hindi nawawala ang malisya sa kanya. Aniya, “Sa kanya walang kamalisya-malisya pero sa akin mayroon talaga. Hirap na hirap ako umarte kasi hanggang ngayon mayroon pa.”

Heto na ang ‘pinaka!’ Ang pag-amin ng veteran actor na si Eddie Garcia na nag-‘palaway’ siya sa bading at 16. Natural tawanan sa loob ng Dolphy Theater pero kina DJ Durano at Carlos Agassi, makakatulong kaya sa kanila ang pag-amin na naging boy toy sila ng bading?

Back-to-the-scene pa naman si Carlos pero will this help him regain his lost popularity tulad ng ine-enjoy niya noon? But on the contrary, malay natin, ngayon pa na back to his hunky figure na naman ang aktor at papable pa rin?

May answer naman si Carlos dito as in, paano naman siya aamin noon kung nobody dared to asked him? Owsss, di nga?!

Kaya lang, may ilang nagre-react daw, I repeat, nag-react umano sa sinabi ni Kean Cipriano na wala siyang experience sa bading. Kung totoong wala, poor Kean, hindi pala siya attractive sa mga bayot? (Hindi kaya lasog-lasog na ang notes payable niya sa rami ng umum-um? Hahahahaha! Joke! – Ed)

Pero si Vice, kumantang ‘so many men’ ang kanyang natikman at naikama. Pero ang lokah, binitin ang press dahil never siyang nag-name names.

Maliban kina Vice, Carlos, Kean, DJ, Nikki at Eddie Garcia in a very special role ay kasama din sa ‘Praybeyt Benjamin’ sina Vandolph, Jimmy Santos, Dennis Padilla, Tutti Caringal at Malou de Guzman. Once again, the movie opens October 26 in all theaters nationwide.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply