Mayor Gordon: Keppel shipyard operations dapat tuloy-tuloy

INIHAYAG ni Olongapo Mayor James Gordon na dapat ay maging tuloy-tuloy ang operasyon ng Keppel habang nagsasagawa ng imbestigasyon ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Kung maaalala ng anim na manggagawa ang namatay at anim din ang nasugatan matapos mag-collapse ang isang steel platform sa loob ang pagawaan ng barko ng Keppel.

Bago mangyari ang aksidente ay nagpahayag na ang pamunuan ng Keppel sa kagustuhan mag-expand at gumawa pa ng dalawa pang drydocks.

“Kailangan life goes on, kailangan tuloy-tuloy pa rin para makapagbigay ng maraming hanapbuhay sa maraming Pilipino,” ayon kay Mayor Gordon.

Mayroong 1,300 pinoy ang kasalukuyang nagtatrabaho sa naturang kompanya.

Samantala, sinabi naman ni DOLE Secretary Rosalinda Baldoz na binigyan siya ng assurance ng Keppel na sila ang bahala sa mga gastusin ng mga namatay at mga nasugatan. Pero dinagdag pa ng kalihim na pagkatapos sa isinasagawang imbestigasyon ay maglalabas din sila ng sarili nilang computation kung magkano ang dapat matanggap ng mga biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply