Mayweather inabswelto sa kaso

NAKALUSOT si boxing champion Floyd Mayweather Jr. sa mga kaso ng pagbabanta at pagpapadala ng mga armadong lalaki para takutin at saktan ang dalawang security guards sa isang village sa Las Vegas.

Si Mayweather, na undefeated sa 42 bouts, ay idineklarang ‘not guilty’ ng isang hurado sa kaso.

Ayon sa hukom, nabasura ang kaso dahil sa kabiguan ng prosekusyon na patunayan ang kaso at maglabas ng matibay na ebidensya.

Ang boxing star ay kinasuhan ng misdemeanor harassment ilang taon na ang nakararaan nang pagbantaan ang mga sekyu at padalhan ng mga armadong lalaki para takutin.

Nag-ugat ang bangayan ng mga sekyu at ng boksingero nang isyuhan ng mga ito ng parking tickets si Mayweather dahil umano sa pagpaparada ng sasakyan ng labag sa mga alituntunin ng komunidad.

Si Mayweather ay kinasuhan din ni Manny Pacquiao matapos siyang pagbintangang gumagamit ng steroids at bawal na droga.

May tambak ding kaso si Mayweather na isinampa ng kanyang dating nobya.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply