Medical condition ni Gloria Arroyo maayos na

MAAYOS na ang medical condition ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, matapos itong sumailalim sa maselang operasyon.

Ito ang iniulat ngayon ni Dr. Maria Ver, ang orthopedic surgeon ni Arroyo sa St. Lukes  Medical Center.

Dagdag ng doktor, wala na umano silang nakikitang komplikasyon sa neurological status ng pasyente.

Nawala na rin ang nararamdamang pamamanhid ng kaniyang katawan at sakit sa bahagi ng kaniyang leeg.

Batay din aniya sa X-ray results, stable naman ang isinagawang impant sa kaniyang cervical spine.

Pinayuhan naman ng mga doktor ang dating pangulo na magsagawa ng rotational head at neck movement bilang ehersisyo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply