Medical treatment abroad ni GMA aprub sa Malakanyang

PAYAG ang Malakanyang si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na makakuha ng medical treatment sa ibang bansa sa oras na makumpleto  ang kanyang requirements.

Sinabi ni deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na patuloy na hinihintay ng Department of Justice ang mga dokumento mula sa kampo ng mga Arroyo para agad na payagan ang dating lider na makabiyahe palabas ng bansa.

“Assuming that they comply. ‘Yun lang naman po ‘yung hinihingi natin. Ang ayaw lang po natin dito is maakusahan po tayo na nagbibigay po tayo ng special treatment. I just checked with the DOJ. Mayroon ho silang mga ni-request na documentary requirements from the lawyer of Mrs. Arroyo and so far this morning, hindi pa raw po naisu-submit, hindi pa po complete ‘yung documents that are required,” ayon kay Usec. Valte.

Nauna rito, sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na malaya siyang makapagde-desisyon kung bibigyan niya o hindi ng Allow Departure Order (ADO) si Mrs. Arroyo.

Ang isang katulad ni dating Pangulong Arroyo na kasama sa watch list order ay kailangan munang makakuha ng clearance mula sa pamahalaan bago makalabas ng bansa sa pamamagitan ng pagkuha ng ADO.

Ang dating Pangulong Arroyo ay isinama sa Immigration watch list kaugnay na rin sa kasong plunder na isinampa sa kanya. Makailang ulit naman na pinabulaanan ng kanyang kampo ang nasabing alegasyon.

Napaulat na nais ni Mrs. arroyo na makapagbiyahe sa labas ng bansa para sa kanyang medical treatmet ng dalawang buwan. Partikular na bibigyan ng espesyal na pangangalaga ay ang kanyang hypoparathyroidism at bone mineral disorder.

Samantala, napag-alaman na si House Deputy Secretary General Artemio Adasa ang nag-endorso sa Department of Foreign Affairs na amiyendahan ang travel authority para GMA mula Oktubre 22 hanggang Disyembre 5, 2011.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply