Mendiola abswelto sa Venson Evangelista slay

PINAWALANG sala ng korte si Alfred Mendiola, isa sa mga suspek sa pag-karnap at pagpatay sa car dealer na si Venson Evangelista.

Inalis sa listahan ng mga suspek ni Quezon City Regional Trial Court Branch 215 Judge Maria Luisa Padilla si Mendiola alyas Bading habang pinagtibay naman ng huwes ang kanyang pagiging witness.

Ayon kay Public Prosecutor Ramoncito Ocampo, pumasa si Mendiola sa lahat ng court requirements sa pagiging state witness.

Ito ang naging daan kaya lumusot si Mendiola sa pagiging isa sa mga akusado na kinabibilangan ng magkapatid na Roger at Raymond Dominguez at Jayson Miranda.

Samantala, isang motion for reconsideration naman ang balak na ihain ng abogado ng depensa na si  Atty. Oscar Raro hinggil sa ibinababang order for discharge kay Mendiola bilang akusado.

Sa ika-29 ng Nobyembre, inaasahan namang ikakasa ang isang preliminary court conference ukol sa kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply