Messenger ng STI naholdap, P1M natangay

MAHIGIT sa P1 milyon ang natangay sa messenger ng STI College sa Caloocan City ng apat na hindi pa nakikilalang mga lalaki sakay ng dalawang motorsiklo habang ang una ay naglalakad papuntang bangko sa nasabing lungsod kahapon (Oktubre 18).

Sa pahayag ni Ruben Sarguna, 49, messenger ng naturang paaralan sa 10th Avenue ng lungsod, dakong alas-3:30 ng hapon, naglalakad sila ni Ricardo Clemente sa 11th Ave. upang ideposito sa Banco de Oro (BDO) ang P1,185,345 cash at mga tseke na nagkakahalaga ng P46,606 nang harangin ng mga holdaper.

Agad na tinutukan ng baril si Sarguna at sapilitang kinuha ang bag kung saan nakalagay ang pera at mga tseke.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga salarin sakay ng dalawang motorsiklong naplakahan habang nagsadya naman sa pulisya sina Saguna at ini-report ang insidente.

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing panghoholdap.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply