Metro Manila pinaghahanda ng PAGASA sa bagyong Ramon

PINAGHAHANDA ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga taga-Metro Manila bukas (Huwebes, Oktubre 13) dahil lalapit ang bagyong Ramon.

Ayon kay PAGASA Administrator Nathaniel Servando, inaasahan nila na magkakaroon na ng mga pag-ulan sa Kalakhang Maynila bukas at may posibilidad na itaas ang signal number 1.

Samantala, sinabi ni Servando na hindi sila gaanong nababahala dahil walang malalaking dam sa Visayas na siyang binabayo ng bagyo ngayon.

Ayon pa sa PAGASA, posibleng lumabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Ramon ngayong Sabado ng umaga base sa pagtaya ni Servando.

Ang bagyong Ramon aniya ay inaasahang mag-e-exit sa Mindoro bukas ng hapon at kapag nagtuluy-tuloy ay lalabas ito ng teritoryo ng Pilipinas sa Sabado.

Pagdating naman sa pagtataas ng babala ng bagyo, sinabi ni Servando na maaaring hanggang signal number 2 na lamang ang kanilang itataas sa mga lugar na dadaanan ng bagyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply