Mga ‘Ipit Gang’ sa Tikling protektado ng bgy. tanod.

NAMAMAYAGPAG ang ‘Ipit Gangs’ na bumibiktima sa mga sakay ng pampasaherong
bus na G Liner.

Ang grupong ito ay pawang mga nakatira sa Tikling, Taytay, Rizal.

Hindi matibag-tibag ang grupo ng ‘Ipit-Gang’ dahil sa protektado sila ng mga barangay tanod sa nasabing lugar.

Araw-araw daw ay lumalakad ang grupong ito para  maghanap ng kanilang mga bibiktimahing pasahero.

Basahin natin ang nilalaman ng text message sa atin ng text-tipster.

Dear Sir Johnny.  Ako ang nagsumbong sa inyo ukol sa  mga ‘Ipit Gang’ sa bus na nakatira sa Tikling, Taytay Rizal. Araw-araw po silang umaalis ngayon at  matagal na silang nakatira sa Tikling.

Halos 2 years na nilang ginagawang taguan ang Tik-ling at hindi sila mahuli-huli ng mga otoridad dahil sa may lingguhan sa kanila  ang mga barangay tanod diyan.

Alas-4:00 ng umaga kung  mag-umpisa silang magna-kaw habang nakasakay sa G Liner Bus na patungong Ortigas.

Umaga hanggang hapon kung sila ay magnakaw sa mga bus na sinasakyan nila.

Sana, Sir Johnny, gisingin po ninyo ang mga pulis sa Taytay, Rizal na sa Tikling, Taytay, Rizal sila nakatira.

Umaasa po kami na hindi ninyo tatantanan ang mga ito hanggang hindi nahuhuli.

PUWESTO PIJO ‘DI MATIBAG

Nakapagtataka na sa kabila ng mahigpit na kampanya ng PNP sa mga iligal na pasugalan ay hindi matibag-tibag ang puwesto pijo ni Lourdes Tibo sa Pulilan, Bulacan.

Isang alyas Leo ang tumatayong booker at locator ni Lourdes Tibo na namamahala rin sa pagbi-bigay ng lingguhang ‘timbre’ sa mga kinauukulan.

Si Leo ang pinagkakatiwalaan ni Lourdes Tibo kung sino  ang mga bibigyan ng I.N.T. o Intelihensiya.

oOo

Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 0918927-4764, 09266719269 o i-email sa juandesa-bog  @yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply