Mga astig na batang kalye sa Libertad, Pasay naglipana

alas-otso ng gabi kamakalawa, habang pauwi ng bahay ang bunso kong anak na babae, may sumabit na mga dalagitang batang kalye sa sinasakyan niyang dyip sa may Pasay City Complex at bigla na lang hinila ang kanyang buhok na muntik niyang ikalaglag sa sasakyan.

Hindi iyon ang unang pagkakataon na nangyari ito sa mga anak ko mula nang lumipat kami sa Libertad, Pasay.

Mga tatlong buwan pa lang ang nakalilipas nang ang anak ko namang lalaki ang muntik nang masaksak ng ice pick ng isang binatang nagwawala dahil sa kalasingan sa mataong kalye ng Libertad noong siya ay pauwi na ng bahay dala ang pinabili kong gamot.

Sa lakas ng tama sa kanyang mukha, nawalan siya ng malay at bumagsak sa kalye.  Ayon sa anak ko, namalayan na lamang niyang may mga taong tumulong sa kanyang tumayo sabay sabi: “Dali, tumakbo ka na!”

Nang malaman ko ang pangyayari ay agad akong lumabas ng bahay at naghanap ng mga taong makatutulong sa akin, kahit tanod man lang sana.

Subalit wala akong  makitang mga tanod, o baka di ko lang sila ma-identify dahil wala pa ako gaanong kilala sa lugar.  Bilang solo parent, wala ring padre de pamilya na magtatanggol sa mga anak ko sa mga pangyayaring kagaya nito.

Mula noong unang nangyari ito sa anak kong lalaki hanggang ngayon sa anak ko namang babae ay hindi ko pa rin malaman kung saan ako pupunta o tatakbo para humingi ng tulong upang bigyan ng leksiyon ang mga batang ito na ginagawa nang trip ang makasakit at manakot ng kanilang kapwa sa kabila ng kanilang murang edad.

Sa kabila rin ng nakakagalit at nakakatakot na karanasan ng mga anak ko, nananaig pa rin ang takot sa dibdib ko at gayundin sa kanila na baka sila ay balikan kung kami ay magpupursigi upang isumbong ang mga batang ito.

Kapag nagsumbong kami at kilalanin ng anak ko ang mga batang ito, tiyak malalagay sa alanganin ang kanyang buhay lalo na’t araw araw siyang dumadaan sa lugar na yon papunta sa paaralan.

Bakit hinahayaan ang mga batang ito na magpakalat kalat sa kalye at manakot ng mga tao? Dun pa lang sa may bandang Harrison Street bago kumaliwa papuntang Libertad ay sadyang nakakatakot na.
Nagkalat ang mga bata sa daan. Sobrang lakas ng loob at kaastigan ng iba na nagagawa nilang magbukas ng taxi at mga sasakyan para “humingi ng barya.” Natural na hindi sila bibigyan, at yun ang kanilang ginagawang dahilan upang mangalampag ng sasakyan, mambato at manira.

Bakit may mga kalye at mga lugar sa Pasay na mistulang nang lawless?

Tila hindi na umiiral ang batas sa mga lugar na ito. Wala nang kinatatakutan ang masasamang loob, kahit ang mga bata ay nag-aastig-astigan na.

Ordinaryong tanawin na ang nagsasakla sa kalye, pero mag-iisang buwan na ay nilalamayan pa rin ang patay. Habang nagsasakla ang mga magulang, ginagawa namang playground ng mga bata ang kalye.

Sa susunod na mangyari uli ito sa miyembro ng pamilya ko, baka hindi na ako makapagpigil at tuluyan nang lumabas ang aking mga pangil.

Much as I hate to say this as I have many politician friends in Pasay City, I just cannot stop myself from saying that based on my experience here so far, this place is not child nor solo-parent friendly.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply