Mga ayaw lumikas, kaladkarin na

PINAYUHAN nina Sen. Panfilo Lacson at Gregorio “Gringgo” Honasan si National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos at ilan pang opisyal ng Defense Department na puwersahin na ang mga residenteng nagmamatigas na lumikas sa mga lugar na mapanganib dahil sa kalamidad.

Ito ang tugon ng dalawang mambabatas nang sabihin ni Ramos na maraming mga residente ang ayaw lumikas sa kabila ng mapanganib na baha sa lalawigan ng Pampanga at Bulacan.

Ayon kina Lacson at Honasan, mahalaga na mailigtas ang buhay ng mga nalalagay sa panganib sa oras ng kalamidad, kung kaya’t dapat lamang na puwersahang ilikas ang mga matitigas ang ulo.

Sinabi pa ni Lacson na mas labag sa karapatan pantao ang ginagawa ng gobyerno kung pababayaan lamang nito ang mga residente na maaaring mamatay sa kalamidad.

Nangangamba si Ramos sakaling gawin nito ang payo ng dalawang mambabatas ay makasuhan sila ng paglabag sa karapatang pantao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply