Mga bata pinapatay at nagpapakamatay

NAYAYANIG tayo, Suki, sa nagaganap sa mga bata. Sunod-sunod ang mga pagpatay sa mga ito at pagpapakamatay na rin nila.

Karamihan sa mga pinapatay ang mga babae at nakararami sa mga ito ang biktima ng mga manyak.

At para lang maitago ang mga krimen dito, ibinabaon ng mga kriminal sa lupa, isinasako o ipinaaanod sa tubig ang mga biktima.

Ano na ang nagaganap sa utak ng mga salarin?

Dapat na pag-aralan ito nang husto ng mga kinauukulan upang mapigilan ang patuloy na pananakit at pagpaslang sa mga batang babae.

oOo

Pero ang pag-aaral ay dapat na tumbasan ng mga maiigting na batas.

Isa sa mga nakikita nating kahinaan ng batas ang pagbuwag sa parusang bitay.

Paano kaya kung muli nating ibalik ang parusang ito at ilapat nang mabilis sa mga kriminal? Paano iugnay ang batas na ito sa mga alak at droga na natatagpuang nagpapalakas ng loob sa mga kriminal sa paggawa ng mga krimen?

oOo

Nanginig naman ang ating laman sa pagkitil ng sariling buhay ng balediktoryan sana sa Grade 6 na si Ramsel Halos sa Cebu kahapon.

Matalino, masipag at aktibo sa loob ng eskuwela ang batang ito. Naging masayahin pa nga ito sa pagtulong sa kanilang mga guro sa selebrasyon ng Teachers Day.

Pero nagulantang ang lahat nang matagpuan na lang ang kanyang bangkay na nakabitin sa isang puno mismo sa bakuran ng kanyang iskul.

Hindi siya nabilhan ng kanyang lola ng uniporme para sa boy scout dahil sa kahirapan at dahil dito, naisipan na lang nitong wakasan ang kanyang buhay.

Inday Dinky Soliman, paano ito, huh?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply