Mga depektibong timbangan kinumpiska sa QC

UMAABOT sa 50 depektibo at may dayang timbangan ang kinumpiska ng mga tauhan ng Quezon City Treasurer’s Office sa isinagawang surprise inspection sa Murphy public market sa Cubao.

Sinalakay ng mga operatiba ng Task Force Calibration ng Quezon City ang palengke at maraming timbangan ang nadiskubreng may daya at ang iba’y depektibo na.

Ayon sa head ng Task Force Calibration na si Ben Ortiz, pinaghalong digital at analogue na timbangan ang kanilang mga nakumpiska.

Bukod sa may daya, depektibo ang ilan sa mga ito at hindi rin nakarehistro sa pamahalaang lungsod ang ilan sa mga nakumpiska.

Umalma pa ang ibang tindero at sinabing nasa kondisyon ang kanilang mga timbangan ngunit nang suriin ay kulang ito sa timbang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply