Mga empleyado hinikayat magpasuri ng lead level ng dugo

HINIKAYAT ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang mga kompanya na ipasuri ang lead levels ng dugo ng kanilang mga empleyado kasunod ng pag-sertipika ng US Department of Health and Human Services’ Center for Disease Control and Prevention sa Occupational Safety and Health Center (OSHC).

“As a certified body for testing blood lead levels, the OSHC provides quality blood level testing for heavy metals, such as lead, cadmium, and mercury,” ayon kay Baldoz.

Ayon naman kay OSHC Executive Director ma. Teresa Cocueco, nakapaglabas na ito ng report sa isang empleyado na nakapagtrabaho na ng ilang dekada sa isang semi-conductor company at napatunayang may anemia.

Ang naturang kondisyon ng nasabing empleyado ay  dahil umano sa elevated levels ng lead sa kanyang dugo.

Paliwanag ni Cocueco, ang lead exposure sa trabaho ay posibleng mauwi sa anemia, nervous system dysfunction, kidney problems, hypertension, decreased fertility at miscarriages.

“In such cases, it is not just the workers who get sick. They can also expose their families to lead,” she said, adding that children who get exposed to low levels of lead may develop learning disabilities and short attention spans.

“Lead-caused conditions can be prevented by proper engineering controls, the right personal protective equipment, and administrative controls such as the close monitoring of workers’ lead levels and rotating their tasks in order to lessen their exposure to lead,” ayon pa kay Concueco

Ang OSHC ay nakatanggap ng sertipikasyon sa ilalim ng Lead and Multi-Element Proficiency Program (LAMP), isang programa na gumagarantiya sa kalidad ng multi-element analyses sa dugo.

May 100 laboratories kasama ang 30 international laboratories ay nasa ilalim ng LAMP. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply