Mga estudyanteng atleta pinuri sa Senado

NAGHAIN ng resolusyon si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV upang papurihan ang mga estudyanteng atletang Filipino na lumahok sa ika-26 na Summer Universiade na ginanap sa Shenzhen, China noong Agosto 12-23, 2011.

Ang Universiade, kilala rin bilang World University Games, ay isang pandaigdigang sports event na ginaganap tuwing ikalawang taon at dinadaluhan ng 10,603 atleta mula sa 151 bansa at rehiyon na naglalaban-laban sa 306 events hango sa 24 uri ng palakasan.

Nagpadala ang Pilipinas ng 94-man contingent sa pangunguna ng Federation of School Sports Association (FESSAP) na nag-iisang university sports organization sa bansa na kinikilala ng International University Sports Federation (FISU).

Ang Pilipinas ay sumali laban sa mga kalahok ng mga mayayamang bansa sa siyam na laro kagaya ng swimming, men’s basketball, table tennis, taekwondo, badminton, chess, archery, beach volleyball at athletics.

“Unhampered by their limited budget and other constraints, our student athletes competed with much enthusiasm and perseverance despite not receiving any official support from the Philippine Sports Commission (PSC),” ani Trillanes sa kanyang sponsorship speech para sa Senate Resolution 579.

Sinabi ng senador na sa kabila ng kawalan ng suporta mula sa PSC ay nakuha pa ring magpakitang-gilas ang ating mga estudyanteng atleta.

“They displayed the pride of true Filipino athletes. In fact,  a 21-year old student from the Far Eastern University, Samuel Thomas Harper Morrisson, bagged a silver medal in Taekwondo,” wika pa ng senador.

Nauna nang tinuligsa ni Trillanes ang PSC dahil sa kabiguan nitong bigyan ng supporta ang Philippine delegation sa Summer Universiade at Philippine Dragon Boat Team.

“Our young athletes deserve not only our support and attention, but also our recognition of the dedication and sacrifices that they have shown in pursuit of glory and honor for our country. Let us take this opportunity to recognize them with the commendation of this august chamber and make up for the Philippine Sports Commission’s lack of financial and moral support for them,” sabi pa ni Trillanes sa kanyang kapwa senador.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply