Mga inutil daw ang mga lokal na opisyal ng Calamba

ISA-ISANG nag-aalburuto ang grupo ng mga tricycle driver sa Brgy. Real,  Calamba City dahil sa ginawang pagbabawal sa kanila na magbiyahe sa Hi-way.

Ang pinag-aalburuto ng mga driver ay ang paghihigpit sa kanila na makabiyahe sa Hi-way na tanging daan para sila makapagbiyahe.

Pinararatangan din ng mga tricycle driver na walang silbi ang lahat ng mga nakaupo.

Minsan na rin daw nilang nilapitan si Mayor Jun  Chipeco tungkol sa problema nila pero nagkibit-balikat lang ang alkalde sa kanila.

Basahin natin ang nilalaman ng text message nila.

Sir Johnny, gud pm, bos. Kaming mga tricycle driver sa ruta ng LISP, Crossing sakop ng Brgy. Real, Calamba City ay humihingi sa inyo ng tulong.

Binabawalan na po kaming pumasada  sa Hi-way gayung ang lugar pong ito ang siyang pinapasadahan po namin.

Halos sa Hi-way dumaraan ang lahat. Lumapit na  po kami  kay Mayor Jun Chipeco pero sa halip na sabihin niya na ‘pag-aaralan nila ang reklamo’ ay wala raw

silang magagawa.

Kaya, Sir Johnny, doon namin nalaman na wala pong silbi ang lahat ng nakaupong opisyal namin sa Sangguniang Panglungsod. Kaya po kami dumudulog sa inyo.
Salamat po.

MANDIRIGMA  NG CAVITE, MATINDI

Sino itong si SPO3 Osias ng CIDG-Cavite na nagpapakilala sa mga iligalista na siya ang taga-kuha ng INT (intelihensiya) ni Maj. Rey Magdaluyo?

Grabe ang mamang pulis na ito dahil daig pa niya ang isang ‘alulod’ na laging nakasahod. Wala siyang pinaliligtas, ultimo sugal lupa ay hindi nito pinakakawalan.

Kolekta rito, kolekta roon ang ginagawa araw-araw ni Osias. Hehehe.

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 09189274764,09266719269 o kaya email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply