Mga ipinalit sa mga pinalayas na empleyado, idinepensa ng PAL

IDINEPENSA ngayon ng pamunuan ng Philippine Airlines (PAL) ang mga empleyadong ipinalit sa mga pinalayas na datihan.

Tiniyak ng PAL management na kwalipikado ang kanilang mga bagong empleyado.

Ayon pa PAL, hindi nila isasabak sa mapanganib na trabaho ang mga hindi kwalipikado dahil iniisip nila ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Samantala, bumalik na sa normal na operasyon ang cargo service ng PAL.

Sinabi ni PAL president Jaime Bautista ay tumatanggap na ulit sila ng cargo bookings para sa lahat ng domestic, Asian regional at intercontinental flights na nag-ooperate sa labas ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Aniya, isa itong senyales na unti-unti ng nagiging normal ang daloy ng operasyon ng kompanya.

Maaalala na natigil ang cargo operation ng PAL nang magsagawa ng work stoppage ang ground crew union ng kompanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply