Mga magpupilis dapat pumasa sa psychological, moral tests– Koko

NANINIWALA si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na bukod sa nakatapos ng kolehiyo ay dapat na physically fit ang sinumang nais na maging miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Pimentel, dapat din na makapasa sa psychological at moral standards ang mga nagnanais na maging pulis.

Iginiit ng senador na dapat na gawin ito ng pamunuan ng PNP upang ang mga tanging kwalipikado lang mga mapasama.

Ginawa ni Pimentel ang pahayag matapos na lumabas sa mga report sa pahayagan ang pagkakasangkot ng ilang mga tiwaling pulis sa pangingikil at iba pang mga iligal na gawain.

“How often do we read in the newspapers reports of policemen getting involved in various kinds of wrongdoing, such as extortion?” ani Pimentel.

Sa kabila nito naniniwala naman ang senador na marami pa rin sa hanay ng PNP ang tapat sa kanilang tungkulin, subalit hindi maiaalis na ang ilan sa mga ito ay nasasangkot sa katiwalian.

Iginiit pa ng senador, panahon na upang walisin ang mga tiwaling miyembro ng PNP at suriing mabuti ang mga nais na maging pulis sa pamamagitan ng IQ at Physical fitness standards.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply