Mga magsasaka sa bansa kulang na

KAILANGAN na umanong masolusyunan ang pagkululang ng magsasaka sa kabukiran sa kabila na rin ng pagtanda ng ilang mga nagbubungkal at nagtatanim sa bansa.

Ayon sa Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) kailangan itong agad na ma-solusyunan upang hindi kapusin ang bansa ng mga bagong magsasaka.

Iginiit ni Tesda Dir. Gen. Joel Villanueva na kung hindi maaagapan ang problema, tiyak na malaking suliranin ang haharapin ng sektor ng agrikultura dahil sa kakulangang ng mga magsasaka.

Kaugnay nito, hinikayat ni Villanueva ang mga guro at estudyante sa buong bansa na makiisa sa kanilang agricultural training at magkaroon ng interes sa organic farming.

May mga courses naman aniya ang Tesda na makatutulong sa publiko na mahasa ang kanilang kakayahan sa pagsasaka at iba pang agricultural activities. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply