Mga militanteng estudyante nag-planking sa Malakanyang

NAG-PLANKING ang ilang militanteng kabataan hanggang sa Gate 7 ng Malakanyang matapos na malusutan ang mahigpit na seguridad doon.

Ang pagpa-planking ng grupong Kabataang Makabayan ay upang ipanawagan ang reporma sa mga lupaing pang-agrikultura sa bansa.

Bukod sa pagpa-planking, nagsagawa rin ng programa ang grupo sa kanto ng Concepcion Aguila at Mendiola kaya bahagyang nagsikip ang daloy ng trapiko sa lugar.

Agad namang napigilan ng kinatawan ng Civil Disturbance Management ng Manila Police District (MPD) ang mga nagpoprotesta kaya hindi tuluyang nakapasok sa loob ng compound ng Malakanyang.

Makalipas ang ilang minutong programa ay nag-alisan rin ang mga kabataan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply